Sexxx Dreams

3.6K 12 1
                                    

"I WRITE ABOUT WHAT I KNOW: SEX, PORNOGRAPHY, ART, FAME OBSESSION, DRUGS, MENTAL HEALTH, LOVE, AND ALCOHOL. I MEAN, WHY WOULD ANYONE CARE TO LISTEN TO ME IF I WASN'T AN EXPERT IN WHAT I WRITE ABOUT."

- LADY GAGA

CODY'S POINT OF VIEW

"Para saan itong pera?" kunot noo na tanong sa akin ni Tristan.

"Bayad ko sa iyo, sa pagtulong mo sa akin noong nakaraang araw." naka-ngiti kong sagot sa aking kaibigan.

Umiling si Tristan at makaraan ay ibinalik niya sa akin iyong 15 thousand na ibinigay ko sa kaniya.

Nginitian ako ng aking kaibigan at ilang sandali pa ay ipinatong ang kaniyang kanan na kamay sa aking kaliwang hita.

"Masaya ako na naka-tulong ako sa iyo at saka nasarapan din naman ako sa panonood sa inyong dalawa. Ang weird man na pakinggan, pero sobrang nakakalibog pala ang maka-kita ng dalawang gwapong lalaki na nagtatalik. Ganoon pa man, hindi ko naman kailangan na magpa-bayad." sambit nito sa akin.

"Tristan, sige na, kunin mo na itong pera. Para sa iyo talaga ito. Sige na." seryoso kong sabi sa aking kaibigan.

"Tol, huwag na talaga. Saka nahihiya talaga ako sa iyo." sagot nito sa akin.

"Paano ko ba mababayaran ang tulong na naibigay mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi na kailangan, ano ka ba? Ayos lang talaga sa akin." sagot nito sa akin.

Bumuntong hininga ako.

Inaya ko na lang na umuwi si Tristan at habang palabas na kami ng school nito ay naka-salubong pa namin si James na napa-hinto pa nang makita kami.

Babatiin ko na sana ito at kumustahin, ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay nag-lakad na ito palayo sa amin at naiwan akong naka-tunganga.

Inakbayan ako ni Tristan at matapos iyon ay sinabi niya sa akin na ayos lang at huwag ko nang intindihin ang naging asta ni James.

"Umuwi na tayo." sambit ko kay Tristan.

"Gusto mo ba na kumain muna doon sa coffee shop na kakabukas lang? Tutal ay may utang na loob ka naman sa akin, i-libre mo na lang ako doon." naka-ngiting sambit sa akin ng aking kaibigan.

"Akala ko ba ay ayaw mong bayaran kita?" tanong ko sa aking kaibigan.

"Hmmm... Naisip ko na nagugutom pala ako at parang gusto ko ng cheesecake." naka-ngiti nitong sagot sa akin.

Hindi ko na sinagot pa si Tristan at tinungo na lamang namin ang coffee shop na sinasabi nito sa akin.

Nang naririto na kami sa coffee shop, umorder na kami ni Tristan ng mga gusto namin at sinabi ko sa kaniya na bilhin niya ang lahat ng gusto niya at ako ang bahala.

Nang dadalhin na sa amin ang lahat ng aming mga inorder, nagulat na lamang kami nang makita na si Coby ang kanilang waiter dito.

"Coby." nagtatakang tawag ko sa aking kakambal.

"Cods." naka-ngiti nitong tawag sa akin.

"Nagta-trabaho ka dito?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Oo." naka-ngiti nitong sagot sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi na nagta-trabaho ka?" tanong ko.

"Kailangan pa ba? Saka may pinag-iipunan kasi ako e." sagot nito sa akin.

"Kakambal mo ako, syempre gusto kong malaman ang lahat tungkol sa iyo." sambit ko sa kaniya.

"Hindi naman kailangan na lahat. Hindi ko nga alam na mag-tropa na pala kayo nitong si Tristan e. Saka ang dami ninyong binili ah, grabe lagpas 2 thousand. Sana mayroon ako." naka-ngisi nitong sabi sa akin.

SExxx DREAMS (EXPLICIT)Where stories live. Discover now