MANiCURE

1.9K 12 4
                                    

"KINDNESS IS SIMPLY LOVE FLOWING OUT IN LITTLE GENTLENESS."

— LADY GAGA

CODY'S POINT OF VIEW

"Bakit parang lalong naging bugnutin si James?" tanong sa akin ni Tristan.

"Hindi ko alam, hindi naman niya ako kinakausap e." sagot ko.

"Bakit hindi mo puntahan at kausapin?" tanong ni Tristan sa akin.

"Ilang beses ko na iyong ginawa, pero tinataboy lang niya ako." sagot ko.

"Edi subukan mo ulit." ani nito.

"Nakakasawa na, naiinis na lang ako. Parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kaniya." sagot ko.

"Nasasayangan lang kasi ako sa kung ano ang mayroon kayong dalawa. Kita ko kung gaano ninyo pinahahalagahan ang isa't isa noon." naka-ngiting sabi sa akin ni Tristan at saka nito ako inakbayan.

Pauwi na kami ni Tristan ngayon at kakatapos lang ng huli naming klase.

Dumaan kami ng kaibigan ko sa paborito naming coffee shop at dito ay nagulat na lamang ako nang makita ko sina Kuya Keito, Toffr, at iyong isa pa nilang kapatid na hindi ko na matandaan ang pangalan.

Nakita ako ni Kuya Keito kung kaya naman dali-dali itong lumipat sa table namin at binati ako.

"Kumusta ka?" tanong sa akin ng lalaki.

"Ah ano-ano, ayos naman." sagot ko.

"Hi, Tan!" bati rin ni Kuya Keito kay Tristan.

Napa-tingin ako sa kaibigan ko at nakita ko na nag-blush ito. Bumati rin pabalik si Tristan kay Kuya Keito at saka ngumiti nang pilit.

"Doon na lang kayo sa table namin para sama-sama tayo." anang lalaki.

"Huwag na, kasama mo ang mga kapatid mo e." sagot ko dito

"E ano naman? Mag-kaibigan naman kayo ni Toffr at kilala mo rin naman si Vanish." sagot ko sa akin nito.

"Libre mo ba 'tol kung lilipat kami?" biglang tanong ni Tristan.

Napa-tingin ako kaagad kay Tristan at wari ay sinasabi ko dito na tumigil siya.

"Ayun lang ba? Sige wala namang problema sa akin. Kahit pati take out pa e ayos lang sa akin."  naka-ngiting sabi ni Kuya Keito.

"Huwag na talaga, ayos lang kami ni Tristan sa —." hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko e nakita ko nang tumayo sa kaniyang upuan si Tristan at saka ito nagtungo sa table nina Toffr at umupo dito.

Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi lumipat ng pwesto.

Napapaligitnaan ako nina Toffr at Kuya Keito at sobrang awkward talaga ng aking nararamdaman.

Tumingin ako kay Toffr at nakita ko na naka-titig din ito sa akin.

Nginitian ko siya at ngumiti din ito nang bahagya sa akin.

Tinanong kami ni Kuya Keito kung ano-ano ang mga gusto naming kainin at kagaya ng inaasahan, naging masiba na naman itong si Tristan.

Siya ang may pinaka-maraming inorder sa amin at talagang nag-take out pa ang gago.

Hiyang-hiya ako kay Kuya Keito, pero sinabi naman nito sa akin na ayos lang at huwag na akong mag-alala.

"Uy! Kayong dalawa, bakit hindi kayo nagpapansinan? Hindi ba at mag-kaibigan naman kayo?" tanong ni Kuya Keito sa akin at kay Toffr.

Nagkatitigan kami ni Toffr at nakita ko na namula ang mukha nito.

"H-hi." nahihiya kong bati dito.

"H-hello." sagot naman niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SExxx DREAMS (EXPLICIT)Where stories live. Discover now