Welcome to Leondel
Inilibot ko ang aking paningin sa mga tanawin habang patuloy na umaandar ang kotse papuntang Leondel, ang bayang bago kong titirahan. Masyadong nakakengganyo ang mga tanawin sa aking paningin, ngunit hindi pa rin nito maalis ang lungkot ng pagkawala ni tiya Isabel. Muli kong iniangat ang aking paningin sa labas ng sasakyan.
Dito nakatira ang bagong mangangalaga sa akin. Agad akong ipinadala sa bayang ito ng mamatay ang taong nag-alaga sa akin. Mula ngayong araw hanggang sa magsimula ang pasukan ay kay Auntie Helena na muna ako mamalagi, kapatid ni tiya Isabel.
Isang beses ko palamang itong Nakita, noong libing ni tiya Isabel. Masyado itong seryoso ng kausapin nya ako ukol sapagkupkop nito sa akin. Isa itong guro sa paaralang papasukan ko sa lunes. Sa Crosanth Academy.
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang kotse. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagtaka nang makitang masyadong madilim ang paligid ng bahay na hinintuan ng kotse. Maya maya pa ay may narinig akong kumatok sa labas ng pintuan. Bumukas ito at sumilip doon ang driver.
"Miss Grace, nandito na po tayo." Magalang na pahayag nito.
"Avila Mansion." Dagdag pa nito.
Napatango na lamang ako sa sinabi nya at lumabas. Masyadong madilim ang loob ng bahay kaya di ko alam kung may tao ba rito.
"Sandali."
Kinalabit ko sya upang patigilin sa pagbababa ng mga bagahe ko. May kubo sa harap ng bahay ngunit hindi ko sigurado kung may ahas ba dito o wala. Pinagmasdan ko ang bahay sa harapan ko at pinindot ang doorbell na nasa gilid ng pinto nito. Hinintay komg may lumabas ngunit wala namang nagbukas ng gate. Ipapabalik ko na sana ang mga bagahe ko pabalik sa compartment ng kotse ng may tumikhim sa likuran ko. Agad akong napalingon sa tumikhim.
"Auntie Helena." Sambit ko sa pangalan nya. Tinanguan nya lamang ako atsaka kinuha ang iba sa bagahe ko.
"Sumunod ka." Mabilis naman akong sumunod rito dahil masyadong nakakatakot ang paligid.
Agad akong sumunod sa kanya dahil masyadong nakakatakot ang paligid, iyong tipong may lalabas na lang biglang halimaw sa gilid mo tapos sasakmalin nya ang leeg mo. Grrr.
"Ito ang unang beses mo rito sa Leondel tama ba?" tanong nya sa akin pagkapasok namin sa bahay, agad naman akong tumango bilang sagot.
"Mayroong limang distrito ang maliit na bayan ng Hyacenth, ang Liberika, ang Siton, ang Buenavista, ang Clambridge at ang Leondel. Alam mo naman siguro iyon hindi ba?" tumango naman ako bilang sagot.
Ang Liberika ay ang distrito kung saan ang lahat ay masyado ng moderno, ang Siton Naman ay ang distrito Kung saan ang mga taong naninirahan ay mas gusto ang makalumang panahon, ang Buenavista ay ang pinakasentro ng Hyacenth, halo-halo ang tao rito, may mga naaayon sa modern at makalumang panahon. Sa Buenavista rin ako nanggaling. Ang Clambridge ang distrito ng mga magsasaka, ito ang nagbibigay ng supply ng pagkain sa buong Hyacenth, maliban sa Leondel, sinasabi kasing marami ang mababangis at nakakatakot na nilalang sa distritong ito kaya bihira lamang makapasok ang mga taga ibang distrito.
"Mula ngayon ay dito kana sa Leondel maninirahan, pero dahil mag-aaral ka sa Crosanth Academy ay doon ka mananatili hanggang makapagtapos ka ng kolehiyo, isa iyong Boarding School." Nanghina ako sa aking nalaman, first time kong mag-aral sa boarding school, higit sa lahat wala akong ibang kakilala at kaalam-alam sa Leondel, aangal na sana ako ng bigla na lamang nagsalita sa Auntie Helena.
"Doon ako nagtuturo kaya mababantayan pa rin kita, ang kaibahan nga lang ako uuwi, ikaw mananatili." Ani nito.
"Naiintindihan ko po." Sagot ko.