Mula ng mangyari iyon ay hindi na sya muling lumapit sa akin. Namimiss ko na ang pagiging bossy nya kahit isang linggo lang iyon.
"Ivana. Maaari moba akong samahan sa Cafeteria. Nakakagutom ang pinapagawa samin ni Cornelius eh." Sabi niya.
"Sinong Cornelius, Lauren?" tanong ko dahil wala naman akong kilalang Cornelius.
"Si Levi, hmmmm El?. Cornelius Levi Cross ang tunay nyang pangalan." Saad nya bigla na lamang akong napatigil at napasapo sa ulo ng biglang may pumasok na alaala.
"Good Morning milady. I'm Cornelius Levi Cross. I'm Your El." Cute na saad ng batang lalaki na may kulay ocean blue ang mata. Namimilog naman ang matang napatingin sa kanya ang batang babae.
"Hello El. I'm Princess Ivana Lauresse Ambrosia." Pagpapakilala nito habang nakatitig sa mata ng batang lalaki.
"Ivana, ayos ka lang?" ang tanong na iyon ni Lauren ang nakapagpabalik sa akin sa ulirat.
"Ah-Ahhh oo a-ayos lang ako." Sagot ko.
"Sigurado ka?" tumango lamang ako at nauna ng maglakad.
"Lauren?" tawag ko dito.
"Hmm?" liningon ko sya. Deretso lang ang tingin sa daan at medyo nakayuko pa.
"May kilala ka bang Ivana Lauresse Ambrosia?" muntik na syang madapa dahil sa katanungan kong iyon.
"I-Ivana, saan mo narinig ang pangalan na iyan."
"Uh nothing, I think i saw that name somewhere, ngayon ko lang naalala." Tuluyan na syang napatigil sa paglalakad kaya tumigil na rin ako at hinarap sya.
"Sino sila Lauren?" seryosong tanong ko dito dahil nalilito na ako kung bakit pa ulit ulit ko iyong napapanaginipan.
"Avila." Seryoso ang tinig na tumawag sa pangalan ko mula sa likuran.
"Pres." Tiningnan lamang nito ako nito sandal at saka na ibinaling ang tingin kay Lauren.
"Hinahanap ka ni Cornelius" Saad nito saka tumalikod at umalis.
"Sige na Ivana una na ako." Ani nito at saka mabilis na umalis sa harapan ko. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi man lang nasagot ni Lauren ang katanungan kong iyon.
Pansamantala akong nagbabasa ng bigla na lamang pumasok si Levi sa dorm. Dalawang araw na rin ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lauren.
"Why are you still awake?" tanong nito sa akin habang naghuhubad ng sapatos.
"I'm not yet sleepy." Sagot ko dito. Papasok na sana sya sa silid nya ng bigla na lamang lumabas ang katanungan ko kay Lauren.