Untitled
isa dalawa tatlo,
takot akong sumugal dahil takot akong matalo
ayokong buksan ang panibagong kabanta ng buhay ko
kung pareho naman tayong di sigurado
ayokong mag sulat ng bagong kabanata kung wala ka namang binibigay na paksa
dahil nakakatakot sumugal, sumugal sa taong panibago na namang aral
Ayoko nang maulit ang lahat ng aking pag kakamali
kung sa huli di rin naman ako ang iyong mapipili
Pakiusap sana, wag ka mag bigay ng motibo
kung di ka naman sigurado
wag ka mag bigay ng mga salita
kung ito ay kakainin mo lang pala
Wag mo ko bigyan ng pag asa
kung ang totoo ay wala naman talaga
maari ko ng sarahan ang aking libro
dahil wala nang storyang mabubuo
sapagkat sa larong ito
alam ko na umpisa palang ako na naman ang talo.
