Mahal, naaalala mo pa ba? Yung mga panahon na masaya pa tayong dalawa? ,yung mga araw na di mo maiwasang ilapat ang mga labi mo sa labi ko dahil mahal mo ako at mahal kita, naaalala mo pa ba yun? Kasi ako naaalala ko pa, mahal naaalala ko pa at sariwa pa sakin ang sakit pati ang pait na nadarama, naaalala ko pa kung paano kita nakitang masaya, masaya sa piling ng iba, hon naaalala ko pa kung paano kumislap ang iyong mga mata satuwing tumitingin ka sakanya at kung paano mo ipakita sakanya na mahal mo siya,
Mahal naaalala ko pa eh!! Naaalala ko pa kung paano mo ako pinag tabuyan dahil sakanya , naaalala ko pa kung pano kita pinapili kung ako ba? Oh siya?. Pero hon ang masaklap, SIYA, siyang siya parin! Naaalala ko pa kung paano kita kinasuklaman noon, pero sa kabila ng pag kasuklam ko'ng iyon, mahal parin kita, at naiinis ako hindi sayo kundi sa sarili ko, pero alam kong wala ng magagawa ang pag kainis ko, kasi..............................Hanggang naaalala ko pa nalang ako...