sana ako nalang ang pinili mo, ng saganon ay di ka nag kakaganito bakit ba kasi siya pa ang pinili mo? gayong di kanaman niya gusto.
masakit sa puso ko, kasi hanggang sana lang ako sana ako yung nasa tabi mo, at nag aalaga sayo
na sana, ako yung mahal mo at ako yung tao na pinahahalagahan mo ng boung-buo sana ako yung tao na dahilan ng luha mo, at hindi siya na walang puso
walang puso upang saktan ka ng ganito
sana ako yung babaeng nag papasaya sayo , sana ako yung babaeng minamahal mo ng husto at sana, ako yung babaeng nag papawi sa mga luha mo
pero ano naman ang magagawa ko? isa lang naman ako sa taga hanga mo isa lang naman ako sa mga babae na nangangarap na SANA mapansin mo rin ako.....