Ang Crush Kong Mahilig Magpaasa.

140 1 0
                                    

Ang Crush Kong Mahilig Magpaasa.

Once upon a time something happened to me.

it was the sweetest thing that could ever be. 

It was a fantasy.

 A dream comes true. 

It was the day you learned how to love me too.

******************************************************* 

“ayoko na! Hindi ko na sya crush!” sigaw ni Rei sa bestfriend nyang si JL.

Napaismid naman ito at sarkastikong sumagot sa bestfriend nya.

“talaga? Wow! Pang-ilang ayoko mo na ba yan?” 

Tiningnan naman sya nito ng sobrang sama. Napasapo na lang si JL sa noo nya.

“bff naman eh!” at nagpunas pa kunwari ito ng luha sa mata nya kahit wala naman.

Siya si Reiden Cassiel Castillo. Rei ang kalimitang itinatawag sa kanya ng mga kaibigan nya at Cassiel naman ng magulang nya. 15 taong gulang sya at kasalukuyang nag-aaral sa *insert school here*. Third year highschool sya ng una nyang makilala si Kent Marcus Sevilla. Naging seatmate silang dalawa noong nagkaroon ng quiz bee sa school nila at mula nuon ay humanga na sya dito hindi dahil sa gwapo ito kundi dahil mabait ito sa lahat ng tao.

May mga panahon pa nga na pag nagkakasabay sila nito sa pagpasok ay nginingitian sya nito na binibigyan nya ng kahulugan kung kaya’t akala nya ay may gusto rin ito sa kanya. 

Minsan nga ay nung nahulog nya ang kanyang panyo ay pinuntahan pa sya nito sa room nila, pagkaabot naman nito sa kanya ay umalis din naman kagad ang lalaki at bumalik sa kanilang classroom. Kinikilig pa sya habang inaamoy-amoy ang panyo na ibinalik sa kanya pero nawala din naman kagad ito dahil nakita nya na may sinabayan si Kent na isang babae papunta sa classroom nito.

Kaya mula noon ay binabawi nya na ang paghanga nya dito. Pero kapag may nangyayaring maganda ay bumabalik din naman ang paghanga nya dito. Repeating process.. kaya pati si JL na bestfriend nya ay rinding-rindi na kapag ngumangawa ito ukol sa crush ng kaibigan..

“bff! What na to do? Waaaahhh! Naguguluhan ako”

“alam mo Rei, ganto lang ang gawin mo” pinalapit ni JL si Rei sa kanya at bumulong 

“magpaload ka—“

“eehh! Wala nga akong number nya eh!!” pagmamaktol ni Rei sa kaibigan.

Napasigaw na lang si JL dahil sa sobrang kakulitan ng kaibigan.

“edi ITEXT MO KAY MAYOR!!”

Napakunot-noo si Rei.

“ha? Bakit ko  naman itetext si mayor?”

Wala na, nakulangan na sa turnilyo ang kaibigan ko.. aish. Bakit ba ko nagkaroon ng bestfriend na tulad na to? Oh Good Jesus!  Sa isip-isip ni JL. 

“ang slow mo. Chupi nga! Magrereview na lang ako para sa entrance exam natin next year..” at umalis na nga si JL at iniwang mag-isa ang baliw nyang bestfriend.

Nangalumbaba na lang si Rei at iniisip pa rin ang kanyang crush na si Kent.

“psh! Ayoko na talaga sa kanya. Hinding-hindi na ko magkaka-crush sa kanya..” tapos nun ay may naramdaman syang umupo sa tabi  nya.

“miss, paupo ha? Napagod kasi ako sa pagpunta sa faculty..”

“sure go ahead.” Hindi tumitinging sagot ni Rei sa nagsalita.

Nakakainis talaga yang si Kent. Ang labo ng mata! Nandito naman ako naghahanap pa ng iba.. tsk! Papakainin ko ng kalabasa yun eh, para luminaw ang mata at ng makita na nya ko.

“miss, pwede painom? Nauuhaw ako eh. Tinatamad na kasi akong pumunta sa canteen bukod kasi sa malayo na, ang tindi pa ng sikat ng araw”

“’kay, payn. Wateber”  hindi pa rin sya tumitingin sa katabi nya pero alam nyang lalaki ito dahil na rin sa boses nito.

Kinuha naman nung lalaki yung bottled water na ininuman nya. At sya naman ay balik na muli sa pagpapantasya sa crush niya na si Kent.

Psh! Kung hindi naman dahil sa kanya hindi ako gaganahang pumasok sa eskwela eh.. tapos ganito pa? hindi nya kasi alam na sa bawat oras at panahon na nakikita ko syang tumatawa eh hinihiling ko na sana ako ang dahilan kung bakit sya masaya..

Napabuntong-hininga na lamang si Rei at dinukot ang wallet nya sa bulsa tapos ay kinuha nya ang picture ni Kent at pinagmasdan ito.

“Kent. Kent. Kent.. Kent Marcus Sevilla.. kung alam mo lang kung gano kita ka-crush, ay naku! Ikaw na ang the lucky one at isang Reiden Cassiel Castillo ang nagkagusto sayo..” malungkot na wika ni Rei. “oh well papel, crush lang naman kita weh.. mawawala din naman siguro ito pag nakahanap na ko ng better sayo.” Ngunit napaisip sya.. kahit naman kasi sino ang ipalit nya kay Kent eh yun pa din naman ang gusto nya.. ngumiti na lamang sya ng mapait..

“nauuhaw ako.. ang init naman yata masyado?” nakita nya yung bottled water na iniinom nya kanina. Uminom sya duon ng maalala nyang ininuman ngapala ito ng katabi nya.. gosh! Sa isip-isip nya, naniniwala pa man din sya sa indirect kiss..

Unti-unti syang lumingon sa katabi nya.. natuod sya ng makita nya kung sino ang katabi nya..

“kent?!!” nginitian sya nito ng ubod ng tamis..

-end

Date Written: January 06, 2013 // 10:35 PM

Ang Crush Kong Mahilig Magpaasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon