"Diba sabi ko sa'yo magkita tayo ng alas-siete kahapon?! Ang tagal kong nag-antay 'di ka man lang sumulpot!"
"Sorry, bubby. Nagpatawag lang yung boss ko ng urgent meeting."
"Urgent meeting, huh?! Bakit di ka man lang nag text sa'kin? Muntik pa akong pagalitan ng nanay ko dahil gabi na ako umuwi!"
Nasa loob ako ng coffee shop ngayon dahil break time namin at may inaantay rin ako. Kaya ako nandito para magpahinga, pero lintik! Ang ingay nitong mag-syota na 'to, dito pa talaga magsisigawan.
"Huwag mo 'kong kakausapin!" sigaw ng babae sabay labas. Pinagtitinginan na silang lahat ng tao sa loob, wala man lang kahihiyan. Ano ito? Isang teleserye? Wala akong panahon upang manood ng ganito!
Nilabas ko na lang ang laptop ko para ituloy ang ipapasa kong requirements next week. 'Di pa ako nakakapagsimula, nang may magtext sa 'kin.
'Papunta na ako, nasa'n ka?'
Nag reply ako at sinabi kung nasaan ako, 'Nasa Open Skies Café po ako, see ya muwah'. Niligpit ko na ulit ang mga gamit ko. Ano ba yan, kakalabas ko lang ng gamit ko, ililigpit ko na ulit! Kaligalig ng mga areh ah! Sa tuwing may gagawin na lang ako, do'n nila ako a-awrahan.
Nagpatugtog na lang ako sa phone ko habang inaantay siya. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang nang may dumamping labi sa aking pisngi ko na dahilan ng aking pagkagising.
"My baby seems tired, hmm" bulong ng gwapong lalaki sa tabi ko. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. "I love you" he said in his low voice, his words always feel like feathers in my ears. It feels like home.
"May class ka pa?" tanong niya sa'kin habang naglalakad kami pabalik sa campus ng school ko. Magkaiba kami ni Will ng school na pinapasukan ngunit malapit lang kami sa isa't isa kaya madali lang para samin ang magkita kahit araw-araw.
"Meron pa, pero last na 'yon. Antayin mo na lang ako dito tapos uwi tayo sa amin." Legal na kami sa pamilya namin, magdadalawang taon na rin kami nitong lalaking 'to. Dalawang taon na siyang nagtitiis sa ganda ko.
— — — — — — — —
Pagpasok ko ng classroom, nagsisigawan na ang mga kaklase ko na parang may piyesta. May mga ngumunguya pa ng bubble gum na akala mo, kina angas ng mga pagmumukha nila. Lumapit sa'kin si Erica, isa sa mga kaibigan ko sa loob ng klase. **"Wala si Miss Sanchez, dismiss na daw tayo." *'*Pag sinusuwerte ka nga naman, aba makakapag date pa ata kami.
Bumaba na ulit ako kung saan ko iniwan si Will, nando'n pa rin siya at mukhang nakita niya na akong papalapit sa kanya.
"Nag-cutting ka ba?" nagtatakang tanong niya. "Bakit ang bilis mo, 'di ko pa nauubos 'to" turo niya sa kinakain niyang fishball.
Nakakatuwa ang mukha niya, I stare at him for a minute that made him blush, I stare at him the way he chew the food in his mouth. Nailang siya sa ginawa ko kaya tumayo na siya at naglakad palayo sa'kin. "Hey hey hey, Babe!" sigaw ko habang hinahabol siya. "Dismissed na kami, wala daw si Miss eh. Tara uwi na tayo."
YOU ARE READING
Luminosity On My lightless Life
Teen FictionA family-oriented, independent and a woman that everyone dreams of became hopeless, broken and unmotivated. Gladly, during the darkest days of her life, her man bring back the color to her life again.