"Are you guys ready for our trip tomorrow?" papa asked us while we are eating dinner. May outing kami bukas dahil lahat kami ay may oras para mag-unwind. Minsan lang ito kaya dapat sinusulit. Wala naman akong jowa kaya sa family ko na lang nilalaan ang mga free time ko.
Speaking of 'jowa', hindi na nawala sa isip ko yung ginawa kong kahihiyan noong isang araw sa nameet kong guy sa game. Yung may 'S' pendant na bracelet. Sa sobrang hiya ko, hindi ko na natanong ang pangalan niya. Hindi rin naman kasi ako sanay sa pakikipagharutan. Kung may nagugustuhan ako, hinahayaan ko na lang dahil alam kong lilipas din ang nararamdaman ko. Pero sa pagkakataong ito, parang ayaw kong kalimutan ang naramdaman ko noong unang beses ko siyang nakita. Na para bang magkakilala na kami noon, connected ba kami? O ako lang ang nakaka ramdam ng strongest connection na ito? Shocks. Ewan ko ba.
Magpapatulong na lang ako kay Erica sa susunod kung paano lumandi. Bukod kasi sa minsan ay may speech impediment ako, nacri-cringe ako agad agad. Paano ba 'to? Hays.
"Of course, dad." Noah answered. Isa ito sa pinaka-excited sa amin. Last week pa lang ay handa na ang mga gamit niya. At kahit lalaki siya, organized na organized na ang mga gamit niya. Dinaig pa ako.
"Sobrang excited niyang batang 'yan." sabi ni ate Tanya nang pabiro habang naka tingin rito.
"How about you, Blythe? Are you excited?" mama asked me. Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at tumango.
"Yes, mom!" I answered cheerfully. Napansin kong dinadagdagan na naman ni kuya Jelo ang pagkain ko. "Kuya, ano ba! Kanina ka pa dagdag ng dagdag ah. Paano ako magkaka-abs niyan?" reklamo ko sa kanya habang naka kunot ang noo. Ano ba kasi ito, buffet? Tss.
"Matagal ka nang may abs, bunso" nakangiting aniya. "A big stomach nga lang" he added at lalo lang akong napikon. Sa aming magkakapatid, ako ang pinakapikon. Tanggap ko na 'yon.
"Papa!" pagsusumbong ko kay papa habang nakaturo kay kuya ngunit tinawanan lang nila akong lahat.
Natapos ang hapunan namin na puno ng tawanan at asaran. Hinanda ko ang mga gamit ko para bukas. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para dito dahil inuna kong tapusin ang mga dapat kong gawin upang wala na akong alalahanin sa mga susunod na araw. Sa'n ka pa, kay Blythe na. Ani ko sa hangin.
Alas-tres ng madaling araw ay naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Noah. Malamang ay siya ang unang nagising, kaya siya na din ang inutusan ni mama na gumising sa amin. Naalala ko tuloy ang araw ng kumpil ko noon, dahil sa tapik na iyon sa aking pisngi. Para tuloy akong tangang mag-isa ritong ngumiti pero binawi ko agad nang matauhan.
"Oo na. Ito na, gising na oh, " sabi ko at bumangon na. Pagkatalikod niya ay humiga ulit ako. 30 minutes lang, please. Papayagan naman ako nila kuya at papa eh.
Bumalik si Noah nang makita niya ako at sinimulang hatakin ang paa ko dahilan para lumagapak ako sa sahig. "Akala mo maiisahan mo ko ah." Napahawak na lang ako sa balakang ko. Kakagising mo lang tapos malalaglag ka sa kama, aba. "Bilisan mo, ate. Tignan mo nakaligo na ako." Share mo lang? Ang sakit ng pwet ko do'n ha. Mamaya 'to sa'kin! Magtutuos kami.
Sa biyahe ay natulog lang ako dahil late na ako natulog kagabi. "Anong oras ka natulog kagabi, anak?" tinanong ako ni mama pagkababa namin sa gas station para bumili ng almusal sa Starbucks.
"12 am hehe" Nakita ako ni kuya pagkasabi ko ng 12 am at sinamaan ako ng tingin "Bakit? Nag-ayos ako ng gamit ko eh, tsaka hindi ikaw nagtatanong sa'kin, si mama. " I defended myself sabay irap ko sa kaniya. Maldita na kung maldita pero nakikisali kasi siya.
YOU ARE READING
Luminosity On My lightless Life
Novela JuvenilA family-oriented, independent and a woman that everyone dreams of became hopeless, broken and unmotivated. Gladly, during the darkest days of her life, her man bring back the color to her life again.