"Organic chemicals get their diversity from the many different ways carbon can bond to other atoms. The simplest organic chemicals, called hydrocarbons, contain only carbon and hydrogen atoms". It's already 2 pm and I can't focus on my prof's discussion. "But carbon can bond to other carbon atoms in addition to hydrogen, as illustrated in the molecule ethane on the screen." 'Di ko alam kung bakit wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya ngayon hindi ko alam kung lutang ba ako o wala lang akong gana. Kumain naman ako ngunit hindi iyon sapat at kaunti lang din ang tulog ko. Siguro nga dahil sa tulog. Ewan.
"In fact, the uniqueness of carbon comes from the fact that it can bond to itself in many different ways. Carbon atoms can form long chains." I'm currently on my second year in med school . Maraming umiiyak sa med school but guess who's lucky? Hindi ako umiiyak. Kaya ang lakas rin at nakaka proud ang sarili ko.
I decided to take med since my dad was diagnosed with Coronary Artery Disease. To be specific, gusto ko talagang maging cardiologist. I'm hoping na someday I can take care of my dad and cure him without any charges. Kahit matagal pa, I have a lot of plans actually, isa na diyan ang magpatayo ng sarili kong ospital para sa mga taong walang hanapbuhay. Ang taas ng pangarap ko. Kasing taas ng pride ko. Joke only.
Honestly, hindi naman ito ang gusto kong kuning course, para lang sa future job ito siguro ng future age ko. Noon ang gusto ko ay maging Engineer, but since nung nalaman ko nga yung sakit ni papa, nag-iba ako ng desisyon. Hindi ako napipilitan kasi ginusto ko yun at habang tumatagal minamahal ko na. Kaya 'eto ako ngayon, I'm currently on my second year in med school.
"Ms. Davidson, are you still listening?" nagulantang ako nang tinawag ako ni Miss, dahil literal na nakatulala ako at wala akong naiintindihan. Alam ko na naman ang tinuturo niya ngayon, nagre-recall lang siya para doon sa mga hindi umattend ng session namin recently. Alam ko naman na yan, hindi lang beauty meron ako 'no, mayroon di naman akong brain.
"Ye-yes Ms., I'm sorry." nahihiyang pagkasabi ko, nahalata yatang sabaw ako. Nagpatuloy lang siya sa pagdidiscuss at kahit labag sa loob ko, pinilit ko na ring makinig dahil baka pagalitan na naman ako.
Pagtapos ng discussion ay nagbigay lang siya ng pointers to review para sa aming mid-term exam next week. Mid-term ang paborito kong parte ng school year dahil halfday lang kami the whole week. Kahit nakakasakit sa ulo. Nagkakaroon ako ng oras para mag-aral at syempre matulog. Mas marami nga lang akong oras matulog at kumain kaysa magreview.
"Woooohhh" nagsigawan na ang mga kaklase ko dahil sa wakas lunch break na. Ngunit kahit tapos na ang klase, walang buhay pa rin akong naglalakad patungong canteen.
"Girl, are you okay?" Erica said while walking with me. She's one of my friends in. Kailangan kasi talaga ng kaibigan sa course na ito, dahil kung wala kang kaibigan, you'll fuck up. Good thing I found Erica, she's my closest friend among the circle. Palagi kaming magkasama sa review center at sa Red Cross dahil blood donors kami ro'n. "Kanina pa kita napapansing tulala. Ayos ka lang?"
Hindi. "Oo, ayos lang. Kulang lang sa tulog si-siguro," Kulang lang naman talaga ako sa tulog kagabi kasi madami akong ginawa. Madami akong pinanood hehe. Minsan lang kasi maluwag ang schedule ko dahil tapos na ako sa completion of requirements dahil mid-term exam na nga next week, kaya nakakuha ako ng pagkakataon na manood.
Wala ako sa wisyo dahil bukod sa kulang ako sa tulog, hindi pa ako tinirhan ng ulam ni Noah. Medyo late na nga ako nagising, inubusan pa ako ng pagkain. No choice, kaya sa school na lang ako kumain, muntik pa nga akong malate sa first class ko. Buti na lang late din si Sir. Buti na lang dinamayan ako ni Sir! kahit hindi niya alam na late rin ako.
YOU ARE READING
Luminosity On My lightless Life
JugendliteraturA family-oriented, independent and a woman that everyone dreams of became hopeless, broken and unmotivated. Gladly, during the darkest days of her life, her man bring back the color to her life again.