"So, you are my fiance, huh."
Narinig ng dalaga ang baritonong boses ng lalaki na nagsalita mula sakaniya likod, pagtingin niya dito ay kita ang gulat sa mukha ng dalaga.
Ito ang kaniyang ex boyfriend, o kamukha niya lang ito? Namamalikmata lang? Ang pagkakaalam kasi ng dalaga ay namatay ang kaniyang kasintahan sa isang airplane crush, kaya paanong nasa harapan n'yo ito?
Inalis n'ya sa kaniyang isip ang nangyari na iyon sapagkat alam niyang iyak nanaman ang kaniyang hahantungan. Mahigit tatlong taon na ang naka-lipas, ngunit hindi pa rin magaling ang sugat sakaniyang puso at pagkatao.
Mahal na mahal pa rin niya ito.
"Ano? Tititigan mo na lang ba ako?" Masungit na sabi sakaniya ng binatang nasa harapan n'ya dahilan para bumalik siya sa huwisyo.
"P-pasensya, may na alala lang ako. Haha," natatawang sagot niya dito.
Nginisian siya ng lalaki at bilgang nilapit ang kaniyang mukha sa mukha nito dahilan para matumba siya ngunit nasalo nito ang kaniyang likuran.
"Mag iingat ka, honey, ikakasal pa tayo," bulong nito sakaniyang tenga.
Wtf? Ano ito? B-bakit ganito? Siya ba ang kaharap ko? Ngunit paano?
Sabi ng babae sa kaniyang sarili.
Naramdaman nanaman n'ya ang sakit sa kaniyang puso, naninikip ang kaniyang dibdib at nararamdaman n'ya ang kaniyang katawan na unti-unting bumibigay.
"Ganiyan naba ako kag'wapo?" Natatawang biro sakaniya ng binata, pero sa halip na sagutin ito ay tinulak niya lang ito tsaka dumeretso sa toilet sa restaurant na kinaroroonan n'ya, at doon umiyak.
YOU ARE READING
Uniting Your Broken Hearts
القصة القصيرةKatrina Mae Dizon-The girl who lost his boyfriend because of an accident. She's miserable, unti she she met a man who exactly looks like his boyfriend. What do you think will happened?