Chapter 2

10 0 0
                                    

Abby's PoV:

Maaga akong pumasok ngayong araw dahil sumabay ako kay papa, maaga kasi ang pasok niya. Ni hindi ko na nga nagawang mag almusal sa bahay dahil nag mamadali siya. Kaya nag baon nalang ako ng pandesal at kape para kainin maya maya. Ang papa ko ay isang pulis. Gusto rin ng mga magulang ko na mag pulis ako kaya pumayag ako, isinantabi ko na muna ang pangarap ko at yun ay ang maging baker.

Bata palang ako hilig ko na ang pag b-bake at ang pag luluto ng kung ano ano. Naalala ko nung elementary ako kilala ako sa school bilang " pastillas girl " nag bebenta kasi ako ng pastillas na ginagawa namin ni mama tuwing gabi kasi kulang ang sahod ni papa dati para sa pang araw-araw naming gastusin.

Naisipan ko noon na mag benta sa school para maka tulong ako sa mga magulang ko. Tinanong pa nga ako ni mama " hindi kaba mahihiya anak sa mga kaklase mo kasi mag bebenta ka sa school niyo? imbes na mag focus ka sa pag- aaral mo eh " sambit niya, may pag aalala sa tingin at tinig niya, tsaka hinawakan ni mama ang magka bila kong mga kamay at hinila ako para paupuin sa kandungan niya.

Umiling ako at ngumiti " Ma, bat ako mahihiya? wala namang kahiya hiya sa gagawin ko. Atsaka ma, kaya ko po pag sabayin ang pag aaral at pag bebenta ko ng pastillas, huwag ho kayo mag alala. Ang mahalaga ho may pandagdag gastusin tayo " sagot ko sakaniya habang naka ngiti at naka tingin sa mga mata niya.

Kinabukasan nun nag benta ako sa school, pag pasok ko palang sa iskuwelahan namin andami na agad nag si lapitan saakin at bumili.

Sobrang saya ko nung araw na yun kasi umaga palang pero ubos na yung binebenta kong pastillas, hanggang sa mga sumunod na araw ganun parin ang ganap sa buhay ko. And that's when they started to call me " pastillas girl "

Habang nag lalakad ay binibilang ko kung ilan paba ang natitirang pastillas na binebenta ko, nang biglang may maka bungguan ako dahilan para mapa-upo ako sa semento at mabitawan ko yung hawak hawak kong mga pastillas na binebenta ko.

Hindi ko ininda ang kirot ng pwet ko na tumama sa semento, agad kong pinulot ang mga pastillas na benta ko at binalingan ang taong naka bungguan ko.

Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Hmm ngayon ko lang siya nakita rito ha, siguro bagong istudyante ito. Pero kahit na! bakit hindi sya marunong tumingin sa dinaraanan niya?!

Tumingin ako sakaniya at tinaasan sya ng isang kilay sabay sabing " Ano ba?! bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! " naka kunot noong sabi ko

Tinignan niya ako pabalik at ngumisi " ikaw rin naman ah, hindi ka rin tumitingin sa dinaraanan mo. "

Abat! siya pa ang may ganang gumaniyan samantalang hindi man lang ako tinulungang pulutin ang mga paninda ko o di kaya ay tulungan man lang akong tumayo!

what a gentledog! ತ_ತ

" At may gana kapang gumaniyan?! tignan mo nga kung anong ginawa mo?! natapon tuloy yung binebenta ko " pang aakusa ko sakaniya

Tatalikuran na sana niya ako ng hinatak ko ang damit niya at iniharap siya saakin

" kinakausap pa kita diba?! bat ka tumatalikod? " inis na saad ko

ngumisi siya at hinawakan niya ang kaniyang baba " sorry, akala ko kasi naka talikod ka that's why I turned my back to u too " mapang asar na saad niya.

bigla tuloy akong napatingin sa dibdib ko at nakita ko siyang sinundan yung tinitignan ko! Panigurado akong pulang pula ang mukha ko ngayon, kaagad iyong mapapansin dahil maputi ako!

malamang wala pa akong dede kasi bata pa lang kami! hinatayin niyang mag dalaga ako at tignan niya lang talaga!

Sasabat na sana ako ng bigla uli syang nag salita " uhm.. awkward. I didn't mean to say that it's just that my mind is so naughty sometimes. I apologized if natapon man yung binebenta mo, I'll just buy it all. Mag kano ba yan lahat? " saad niya.

ang sabihin niya bastos lang talaga sya!

" 100 pesos nalang 'to lahat, at pwede ba huwag ka mag english nasa Pinas ka! " saad ko at inirapan siya.

Napatawa siya ng bahagya ang humugot ng pera sa bulsa niya, nagulat nga ako't 200 pesos ang binigay niya saakin. Ibibigay ko na sana ang sukli na 100 pesos pero ang sabi niya lang " keep the change pastillas girl, just take this day as your lucky day, and oh btw thanks for making me smile, these past few days it's hard for me to smile genuinely take that 100 pesos as an thankful gift for making me smile today " at umalis na.

Siguro mayaman yun at ganun nalang siya kagalante hmp, ang mahal naman pala ng ngiti niya 100 pesos. Pag nakita ko nga ulit yun papangitihin ko ulit baka sakaling may 100 ulit. Napatawa ako sa kalokohang naisip.

Bata palang ako marami na kaming pinagdaanan. Pinalayas kami ng lola ko sa bahay nila, pinagkaitan, pinahirapan at marami pang iba. Buti nalang may nabili si papa na lupa, maliit lang pero pwede na. Ang bahay namin noon kubo lang. Wala kaming sari-sariling kwarto nasa sala lang kami tabi tabi kami kung matulog. Tatlo kaming mag kakapatid ako ang panganay, kaya bilang panganay responsibilidad ko ang tumulong sa mga magulang ko.

Kaya ngayong high school naako masasabi kong medyo matured naakong mag isip kumpara sa mga kaedadan ko.

Some people get mature before 25 years because life shows them the worst side of world at early stage of life.

Bigla akong nabalik sa realidad ng nakaramdam ako na may tumapik sa balikat ko, pag tingin ko si Kristine lang pala.

" Goodmorning, aga mo ah. Parang sobrang lalim ng iniisip natin ha? " saad niya

" Goodmorning, ah oo sumabay kasi ako kay papa na pumasok eh. Abala ako sa pag sisid sa malalim na iniisip ko isturbo ka eh " sagot ko at pabirong banat ko

--------
Goodnighttt! God bless!



It will always be youWhere stories live. Discover now