Chapter 1

16 1 0
                                    

Abby's PoV:

Kasalukuyan kaming nasa gazebo sa harap ng building namin ng kaibigan kong si Kristine, napag pasyahan kasi naming dito nalang mag palipas ng lunch break, total ay parehas kaming walang balak kumain. Itinuon nalang namin ang atensyon at buong oras sa kakareview dahil mag kakaroon kami ng long quiz sa isang subject.

Habang abala sa pag rereview itong kasama ko, heto ako at naka pangalumbaba lang sa lamesa habang pinapanuod ang mga kapwa ko istudyanteng kaniya kaniya ang ginagawa.

Gustohin ko mang mag review katulad ng ginagawa ng kasama ko ang kaso lang wala talaga ako sa mood, hinde tamad lang talaga ako mag aral ngayon.

Humihikab ako ng bigla nalang may nag lapag ng pagkain sa harapan ko at sa harapan ni Kristine

pinikit ko sandali ang mga mata ko at nag unat. Umayos ako ng upo at tinignan ko kung sino ang nag lapag ng pag kain namin, naka salubong ko nanaman ang naiinis niyang mga tingin.

" Tine, tama na muna ang pag rereview. Kumain na muna kayong dalawa, kayo talaga hindi ba't sinabihan ko na kayong huwag sasanayin na huwag kumain ng tanghalian dahil malilipasan kayo ng gutom? " naiinis na sambit ni Justin

Si Justin ay ang kababata kong kaibigan, mas nauna ko syang nakilala at naging kaibigan kesa kay Kristine.

Heto nanaman siya sa harapan namin at umaastang parang tatay namin, sanay na kami jan dahil palaging mas apektado pa yan sa kung ano man ang gawin namin.

" Pake mo ba? buhay mo ba ha? buhay mo? tsaka nag titipid kami. " bulyaw ko sakaniya

" Salamat Justin, nakalimutan lang naming kumain dahil abala kami sa pag r-review, alam mo naman bawal akong hindi makapasa dahil magagalit ang pamilya ko, hayts " pagdadahilan ni Kristine

Naramdaman ko namang naka tingin nanaman saakin si Justin, eh kung tusukin ko kaya mata neto.

" Ano yang binubulong bulong at iniirap irap mo jan? may nakikita ka bang hindi namin nakikita? " pambwebwesit na saad niya.

" Che! umalis ka nga reto at nag iinit ang dugo ko sayong animal ka. Akala mo ba hindi ko makakalimutan yung pag tulak mo saakin kay David nung isang araw ha?! " bulyaw na saad ko sakaniya.

" ah HAHAHAHAHA paano pahiya ka sa crush mo noh? tsaka teka nga, pwede bang mag pasalamat ka nalang at dinalhan ko pa kayo ng pagkain dito? wala man lang salamat Justin jan? " sarkastiko niyang saad.

Kinuha ko yung inilapag niyang pagkain sa harapan ko at pilit na iniaabot sakaniya " oh ayan! sayo na! sinabi ko bang dalhan mo kami ng pagkain ha?! "

ka-stress 'tong bakulaw na'to, wala namang nag sabing dalhan niya kami ng pagkain eh. Parang labag pa sa kalooban niyang dalhan kami ng pagkain at isinusumbat pa, edi sana hindi nalang siya nag dala diba?!

" Heto nanaman ang aso't pusa kong kaibigan, dahan dahan sa pag babangayan ha? baka kayo pa mag katuluyan jan " pag singit naman ni Kristine sa usapan.

Siya makakatuluyan ko? para na rin akong pumatol sa asong nauulol kong ganon.

Umasta naman akong nasusuka habang tinitignan si Justin mula paa hanggang ulo. Ulo sa taas ha? hindi dun sa gitna.

" Kristine, gutom lang yan ha? ikain mo yan at kung ano anong kabulastugan yang lumalabas sa bibig mo. Kami mag kakatuluyan niyan? nako mag mamadre nalang ako noh. Never. as in Never. " sagot ko habang iniirapan si Justin

" Sa gwapo kong 'to, aayawan mo? abat marami atang babae ang gustong mag habol dito " sagot niya

" yeah yeah... keep on dreaming. Akin na nga yan! binigay mo na yan saakin eh, alis. " saad ko

Ibinigay din niya ule saakin pabalik yung pag kain sabay sabing " kakainin din pala, andami pang ebas "

Kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang field para tumambay ni Kristine at ng iba pa naming mga kaibigan. Madalas kasi kaming tumambay dito sa field ng school kasi mahangin at nakakaalis ng stress. Tsaka ayaw pang umuwi ni Kristine sa bahay nila. I know there's something's wrong, pero hindi ko siya pipiliting mag kwento, hihintayin ko nalang na mag open up sya saakin.

" Grabe yung long quiz natin, feeling ko duon ko ibinigay lahat ng lakas ko. " saad ni Kristine

Napatawa naman ako ng mahina, isinukbet ko yung kamay ko sa braso niya sabay sabing " atleast perfect mo ang quiz diba? madaya ka hmpf! hindi mo'ko pinakopya! di ka lumingon sa may bandang upuan ko. Akala ko ba ang mag bff nag tutulungan sa lahat? " padrama kong sambit sakaniya.

napatawa naman sya ng bahagya " baliw, uso kasi mag review. Tsaka ang layo kaya ng upuan mo saakin " nakangusong sagot niya.

Umupo lang kami sa may damuhan, pinapanuod yung mga soccer player na mag laro. Nag palipas lang kami ng oras, walang imikan, naka upo lang. Hindi kami masyadong nag sasalita o nag uusap dahil ayos na saamin ang nararamdaman lang ang presensyan ng bawat isa.

Alam kong sa lahat ng katahimikan, maraming mga salita ang gustong bitawan.

Napatingin ako sa katabi ko, tinitigan ko lang siya. Naka ngiti yung mga labi niya pero sobrang lungkot ng mga mata niya. Mahal na mahal ko 'tong kaibigan ko na'to kahit na madalas kaming mag asaran.

Napalingon siya saakin " may dumi ba sa mukha ko Abbytot? " tanong niya, sabay ayos ng kaniyang buhok.

umiling ako sabay sabing " andito lang ako lagi para sayo ha? pag hindi mo na kaya andito lang ako " nakangiti kong sabi

Tumango siya at ngumiti, naoag desisyonan naming umuwi na at papadilim na.





---------
I'm sorry hindi ako masyadong magaling mag compose ng story huhu please bear with me:>

God bless!

It will always be youWhere stories live. Discover now