Abby's PoV:
Naglalakad kami ni Kristine papuntang first subject namin nang bigla naming nakita si Justin na tumatakbo papuntang direksyon namin kaya huminto kami at hinintay siya.
" Goodmorning ladies, aga niyo ah " bating saad ni Justin habang pinupunasan ang pawis niya sa kaniyang leeg at noo.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya, wala namang bago sa itsura niya ngayon dahil naka uniporme siya. Saktong sakto sakaniya ang uniporme, aakalain mong iniindorsura niya ang paaralang pinag aaralan namin.
Pogi naman talaga siya eh, matangos ang ilong, mapupungay ang kaniyang mga mata, mapula ang labi, makapal na kilay at moreno. Talented rin siya dahil magaling siyang kumanta, marunong tumugtog ng mga instrumento at magaling sumayaw.
Huwag mo lang pag sasalitain dahil naiirita ako tuwing nag sasalita siya, ewan ko ba mula nang mag kakilala kami hindi na naalis ang iritasyong nararamdaman ko sakaniya mula noon hanggang ngayon.
Pero masasabi kong isang mabuti siyang kaibigan, maasahan sa ano mang oras at sitwasyon. Kahit na lagi kaming nag aasaran at nag sasagutan ng mga maaanghang na salita isang tawag o text ko lang sakaniya andiyan na siya para damayan ako o tulungan ako.
Naalala ko nung elementary days namin, naging mag ka klase kami nun. Habang nag titinda ako ng pastillas naka salubong ko siya at ng mga kaibigan niyang sila John, Keith, Khalid, Mark at Erros, hindi ko sila pinansin nun dahil abala ako sa pagtitingin kung saang building baako mag titinda ng pastillas. Pero hinarangan nila yung daraanan ko, napakunot ang noo ko nun handa na sana akong makipag sumbatan ng unahan niya akong mag salita.
" Hello Abby! Goodmorning! mag titinda kaba ng pastillas? Gusto mo ba tulungan ka nalang naming mag tinda? tutal ay wala naman kaming gagawin ng mga kaibigan ko " naka ngiting suhestyon niya.
Aangal na sana ako ang kaso lang ay sapilitan niyang kinuha saakin ang isang supot na nag lalaman ng pastillas na ibinebenta ko sabay sigaw ng " PASTILLAS KAYO JAN! MASARAP PO ITO " sigaw niya ng paulit ulit.
ang mga kaibigan niya naman ay parang mga tangang pinalibutan siya at sumasayaw sayaw ng kung ano ano habang siya'y nag susumigaw.
maraming istudyante ang bumili, kaagad iyong naubos. Hindi ko nga alam kung gusto ba talaga nilang bumili dahil gisto nila ung pastillas na binebenta ko o sadyang bumili lang sila dahil si Justin at ang mga tropa niya ang nag bebenta.
sikat kasi sila sa school, sila ang madalas na mag lead ng exercise sa stage tuwing umaga, at hindi ko rin maikakailang lahat sila ay may itsura.
simula noon ganun na ang naging routine namin, tutulungan nila akong magtinda pagkatapos ng klase at ihahatid ako sa bahay.
and suddenly we became friends, they treated me like their princess, they treated me like their youngest siblings.
I'm one of the boys, kaya hindi maikakailang parang lalaki na rin ako kung kumilos. Kinaiinggitan ako ng mga kababaihan sa iskuwelahan namin dahil kasama ko yung mga crushes nila.
Naka isip ako ng isang rule namin " walang mahuhulog saakin ha, or else lalayuan ko kayo HAHAHAHAHA " saad ko.
hindi ko alam kung bakit napatingin silang lahat kay Justin matapos kong sabihin yun, pero ipinag sawalang bahala ko nalang na mag tanong kung bakit sila naka tingin sakaniya.
" Mukha bang may Good sa morning kung ikaw agad ang bubungad sa umaga ko?! buti sana kung si David edi mas good pa sa morning ang morning ko" sagot ko sakaniya habang umiirap
hindi ko alam pero gustong gusto ko talaga siyang inaasar or sinusumbatan
" Goodmorning Justin " tipid na bati naman ni Kristine
susumbat na sana si Justin sa rebat ko sakaniya ngunit isinukbit ko nalang ang kamay ko sa braso ni Kristine at hinila na siya papasok sa first subject namin
" tara na nga tine, baka malate pa tayo sa first subject natin. Iwan na natin yang pangit na yan jan! " saad ko habang patuloy na hinihila si KristineKasalukuyan akong nakikinig sa discussion ng teacher namin ng bigla akong kalabitin ni Kristine " anjan na sila David sa labas ng room " kinikilig niyang bulong saakin
kaagad naman akong napatingin sa labas at nakumpirma ko ngang anjan na sila! sila kasi ang susunod saamin dito! kaagad kong kinalkal ang bag ko at inilabas ang maliit na salamin ko, sinipat ko ang itsura ko. Ang putla ng labi ko kaya kinuha ko ang liptint ko at nag lagay ng kaunti sa labi pati narin sa cheeks ko. Pinadaanan ko din ng daliri ko ang buhok ko dahil wala akong dalang suklay!
itinuwid ko ang upo ko at humarap sa harapan, kung titignang mabuti para akong nakikinig talaga sa gurong nag tuturo sa harapan pero ang totoo halos maduling naako sa kaka simpling sulyap sa labas!
Abby act normal, hindi ko alam kung anong naisipan ko at bumaling ako sa pwesto ng upuan ni Justin, nakita ko siyang naka kunot noo at masama ang tingin sa harapan. Sino naman kaya ang kaaway ng bakulaw na'to at ganiyan ang reaksyon niya.
" okay class dismiss, and oh by the way make sure na naka pag take note kayo ng lesson ngayon dahil mag papa long quiz ako bukas, yun lang. You may go " pag papaalam ng guro namin
kaniya kaniya namang angal ang mga kaklase ko dahil may quiz nanaman bukas, inayos ko agad ang bag ko at tumayo na. Hinintay ko si Kristine na mag ligpit ng kaniyang gamit upang sabay na kaming lumabas.
Habang papalapit na kami sa direksyon nila David ay kumapit ako sa braso ni Kristine, hindi inalam kong nasasaktan ba sya sa bahagyang mag pisil at pag kurot ko.
" Hi Abby, Hi Kristine " bati ni David saamin habang naka ngiti. Nginitian ko rin sya. Babatiin ko na sana siya pabalik ng bigla nalang may bumunggo sa balikat ko, tinignan ko kung sino si Justin lang pala.
pero ipinag sawalang bahala ko iyon at binati si David " hello David " bati ko gamit ang maliit na boses ko at bahagyang napa pisil sa braso ni Kristine.
Pinasadahan ko ng tingin si David, walang bago sobrang pogi parin niya! bagay na bagay sakaniya ang uniporme namin, matangkad sya, mahaba ang mga pilikmata, mapula ang labi, maputi, maayos ang kilay, matangos ang ilong. Siguro nung nag paulan si Lord ng kagwapuhan sinalo na niya lahat.
I giggled at my own thoughts. Inasar asar kami ng mga kaklase niya na mas lalong ikina pula ng mukha ko! Heto naman siya at naka ngiti lang habang naka tingin saakin!
maraming nag sasabi na bagay daw kaming dalawa, which is gustong gusto kong marinig!
aba sino bang tao ang hindi gugustohing marinig yun kung sasabihin ng maraming tao na bagay kayo ng crush mo!
" Kristine malalate na tayo! " biglang sigaw ni Justin sa kalayuan at kitang kita na masama ang timpla ng mukha niya. Kahit kelan talaga panira 'to nakakainis..
wala kaming nagawa ni Kristine kundi ang mag paalam kay David bago pa man kami makaalis ay inasar nanaman kami ng mga kaklase niya kaya pulang pula ang mukha ko ng makaalis doon.
YOU ARE READING
It will always be you
Short StoryPaano kung isang araw, yung isang taong isinasama mo sa lahat ng pangarap mo sa buhay umamin sayong hindi ka talaga niya Mahal? kamumuhian mo ba siya? o patuloy mo parin siyang mamahalin? " Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin mo rin a...