Prologue

34 0 0
                                    

"Ready ka na?" Anya asked paglabas ko ng kwarto ko, medyo napaaga ang punta niya kaya pinaghintay ko muna sya sa living room.


Formal event ang pupuntahan namin, it's Mr. Park's birthday. Si Mr. Park yung bago naming kliyente kaya I made sure na mukha talaga akong presentable. I'm wearing a simple but elegant dress tapos naglagay na rin ako ng light make up


"Yes maam" sabi ko kay Anya


"Buti naman natapos ka na akala ko aabutan na tayo ng next birthday ni Mr. Park eh! Napakatagal magayos ikaw may birthday ha?" Naiinis na sabi niya


"Di naman ako matagal ah! Masyado ka lang talagang maaga, tsaka di naman ako yung may birthday kaya ok lang malate. Mas maganda nga yon eh para pag dating don kakain nalang Hahaha" Sabi ko sa kanya


"Gaga maganda nga maaga tayo don yayamanin si Mr. Park, panigurado maraming pachampagne!" Sabi naman niya, mahina ko siyang binatukan.


"Champagne lang pala habol mo ang dami dami mong pera bumili ka tanga!" sabi ko sa kanya tinawanan niya lang ako


Hindi naman kalayuan mula sa condo ko ang venue kaya mabilis lang kaming nakarating, hindi rin naman traffic. Pumasok kami ni Anya sa loob, inikot ko ang mata ko sa buong venue, malawak iyon, at ang ganda ng pagkakadecorate, it looks so elegant.


"Grabe yayamanin talaga si Mr. Park, ang taray ng party ah! Para akong nasa teleserye tapos ipapakilala ako ng boyfriend ko sa parents nya, tapos di nila ako magugustuhan kasi mahirap lang ako, tapos magooffer sila ng 5 million para layuan ko ang anak nila" Sabi ni Anya habang naglalakad kami sa loob


Kung makapagsalita naman si Anya akala mo hindi sanay sa ganitong klaseng party!


"Una sa lahat, wala kang jowa. Pangalawa mayaman kang gaga ka kaya di ka oofferan ng limang milyon!" madiin na sabi ko sa kanya. Inirapan naman ako ng gaga!


"Nagiimagine lang eh masama ba?"


"Ang lawak ng imagination mo girl! Ganyan ba pag walang jowa?" Pangaasar ko sa kanya


"Wow ang galing magsalita ah! May jowa ka?" Pambawi naman niya agad sa akin, sinamaan ko nalang siya ng tingin.


Inikot ko ulit ang mga mata ko sa paligid, pamilyar sa aking ang mga bisita ni Mr. Park. Halos lahat sila ay bigatin na businessman di lang dito sa Pilipinas pero sa buong Asia na rin.


"Miss Castillo, I'm so glad you came" Lumapit sa amin si Mr. Park pagkatapos niyang kausapin yung isang lalaki kanina, hindi ko masyadong nakita kung sino yung lalaki na iyon dahil nakatalikod siya sa amin kanina, oh well, kahit naman yata nakita ko ang itsura niya ay hindi ko pa rin makikilala.


"Happy Birthday Mr. Park" I greeted, Anya greeted him too and then bumeso kami sa kanya.


"Thank you, so how's the party?"


"Ok naman po it's really nice" I said tapos uminom ako ng wine na nakuha ko don sa waiter kanina. Si Anya naman ay tahimik lang na nakikinig sa amin ni Mr. Park


"I'm glad you're enjoying the party, actually there's someone I'd like you to meet. I think kaedad mo siya, he's my business partner" Sabi naman niya, ngumiti lang ako dahil di ko alam kung anong sasabihin ko. Irereto ba nya sa akin yung business partner nya na yon? Bukod ba sa pagiging CEO ng kumpanya nya ay isa rin syang match maker?


"Well I don't know where he went, I'll just introduce him to you later. Anyways excuse me baka hinahanap na ako ng asawa ko" he said and chuckled


Lost SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon