Namula ata ang pisngi ko sa sinabi ni Eli, I wasn't expecting that. Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil hindi naman ako marunong magtake ng compliments besides hindi ko nga alam kung nangaasar lang ba siya o seryoso siya sa sinabi niyang yun
"Sol!" Nagulat ako nang tawagin ako ni Yuan, doon ko lang naramdaman na tumutulo na pala sa paa ko yung natapon na tubig, natamaan niya ata yung baso
Napamura ako nang maramdaman ang malamig na tubig na tumutulo sa paa ko. Inabutan ako ni Eli ng tissue, nagpasalamat naman ako bago kuhanin yun at ipunas sa paa ko
"Sol" Napatingin ako kay Eli nang banggitin niya ang pangalan ko "so that's your name" Sabi niya, ngayon ko lang narealize na hindi pa nga pala niya alam ang pangalan ko, kung hindi lang ako tinawag ni Yuan ay hindi pa niya malalaman
"Oo bakit may problema ka sa pangalan ko?" Masungit na sabi ko napailing lang siya habang tumatawa
"No, wala akong problema sa pangalan mo, actually it's a nice name" Sabi niya at uminom na ulit ng beer niya, punyeta malapit ko na talagang isipin na nilalandi niya ako!
"Ikaw, Eli pangalan mo diba?" Tanong ko sa kanya para hindi masyadong awkward
"Yeah"
"You have a nice name as well"
Kinabukasan nagdecide kami ni Anya na pumunta sa mall, medyo boring kasi sa condo atsaka parehas kaming tinatamad magluto kaya sa labas nalang kami kakain.
Pinagawayan pa namin kung saan kami kakain kasi magkaiba kami ng gusto, ang ending tuloy ay sa foodcourt nalang kami. Pagkatapos kumain sinamahan ko lang magshopping si Anya, hanggang window shopping lang ako, wala naman kasi akong pang bili sa mga yun. Ang mamahal pa man din sa mga store na pinupuntahan namin!
"Wala ka bang gusto?" Tanong niya habang tinitignan ang isang bag doon, medyo marami na siyang napili na damit, meron din siyang kinuhang sapatos. Ang nakakatuwa kay Anya ay tuwing bibili siya ng mga bagong damit at bag ay nagdodonate siya ng mga luma, sabi niya para guilt free daw, kaya yung iba napupunta sa akin
"Wala, ay oo nga pala daan tayong music store mamaya, magtitingin ako ng gitara" Tumango naman siya at tinignan ulit ang isa pang bag doon. Gusto ko kasi bumili ng bagong gitara kasi naiwan ko sa pampanga yung gitara ko, atsaka medyo luma na rin yun. Nagipon naman na ako para makabili ng bago
Pagkatapos ni Anya magshopping nagstay muna kami sa coffee shop para makapagpahinga saglit, at para na rin makapagkwentuhan kami
"Nagtext si Yuan tinatanong kung nasaan ka" Sabi niya sa akin pagbalik ko sa table namin dala dala ang order namin.
"Huh? Bakit di nalang siya nagtext sakin?"
"Duh malamang torpe siya" Sabi niya at uminom sa iced coffee niya, napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Torpe?
"Huh? Anong connect non?" Nagtatakang tanong ko
"Seryoso ba? Hindi mo alam?" Lalong kumunot ang noo ko "Halata naman na may gusto siya sayo" Sabi niya, natawa naman ako agad. Si Yuan? Impossible!
"Gaga! Hindi noh! May ibang gusto yun, nakwento niya sa akin" Natatawang sabi ko. Maiissue talaga tong si Anya, lahat nalang ng lalaking makakasama ko either gusto ko or ako ang gusto, binubugaw ata ako nitong kaibigan ko eh!
After namin sa coffee shop dumiretso na kami sa music store, inikot ko ang mata ko sa loob noon, pumunta ako doon sa area kung nasaan ang mga gitara.
BINABASA MO ANG
Lost Souls
Teen FictionSol, a business management student, has her life planned, not exactly how she wanted it though, it was to make her dad proud and to lessen the guilt she was feeling, until she met Eli. He was a lead singer in a band, the guy that sent her butterflie...