"Feeling amputa" Bulong ko, pero alam ko namang narinig niya yun dahil sinadya ko namang lakasan.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos non, siguro naramdaman niyang napipikon na ako sa kanya, buti naman! Nilabas ko nalang ang phone ko para itext si Anya. Medyo late na rin kasi, ang sabi niya hindi kami aabot ng madaling araw.
"Naku sinasabi ko na nga ba! Si kuyang singer lang ang kasama mo kapag nawala ka eh" Hindi ko pa natatapos ang tinatype kong message para sa kanya ay andito na kaagad siya. Naku po issue nanaman toh!
"Huh? Gaga diko kasama yan ah, nagkataon lang na nagpark siya sa tabi ng kotse mo" Sabi ko naman kaagad habang binabalik sa bulsa ko ang phone ko.
Magsasalita pa sana siya pero hinatak ko na kaagad siya at binulungan na pumasok nalang sa kotse at wag na magsalita. Baka mamaya kung ano pa masabi niya, nakakahiya at naririnig ni Eli, baka mamaya isipin pa non na trip ko talaga siyang landiin!
"Bagay kayo!" Sabi agad niya pagkapasok sa kotse. Hindi ba talaga siya titigil?
"Uy kamusta exam?" Tanong ni Yuan pagkalabas ng room. Kakatapos lang namin magtake ng exam inaantay nalang namin si Anya, ang bagal kasi niya magtake ng exam, baka alak ang nasa isip niya!
Last day na ng exams namin today, tapos bukas holiday naman kaya walang pasok. Salamat naman makakapagpahinga na rin, medyo naging busy kasi kami this week kasi bukod sa exams deadline rin ng mga requirements sa ibang subjects.
"Hindi ko alam kung papasa ba ako doon tanginang yan, buti may essay sa likod, at least hindi malinis na malinis yung papel ko, tapos doon sa multiple cho-" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at sumingit na siya agad
"May essay sa likod?" Gulat na tanong niya. Natawa ako kaagad sa kanya, napakamot naman siya ng ulo
"Hindi mo ba nakita? Gago madaling madali ka ba?" Natatawang tanong ko sa kanya, hindi ko kasi alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura niya.
"Hayaan mo na for sure naman hindi ko rin alam kung anong isusulat ko doon tsk" Sabi naman niya at tumawa na rin, hindi ko rin naman nasagutan ng maayos yung essay kasi mahirap rin yung tanong, hindi ko nga alam kung may connection ba yung sagot ko doon sa question eh
"Wassup bitches tapos na ako! Inuman na tayo" Rinig naming sabi ni Anya pagkalabas na pagkalabas niya ng room. Anak ng patola! Inom talaga lagi laman ng utak nitong babaeng to eh! Kawawa naman ang atay niya
"Nasagot mo ba yung essay sa likod" Tanong ni Yuan sa kanya, mukhang naghahanap ng kadamay tong lalaking to ah!
"Anong essay gago?"
"Ayan alak pa tangina mo" Binatukan ko siya, tinawanan naman siya kaagad ni Yuan
"Tsk tangina ok lang unang tanong palang naman tanggap ko na ang kapalaran ko kaya inom nalang tayo" Anak ng! Ayos ah, icecelebrate ba namin ang pagbagsak namin?
"Sama ka Yuan?" Tanong ni Anya, mukhang idadamay pa niya si Yuan sa kagagahan niya!
"Saan?"
"Inuman, doon sa bar kung saan kami last time ni Sol, may live band doon"
"Sasama ba si Sol?"
"Oo sasama yan" Luh! Wala naman akong sinabi ah?
"Ulul may sinabi ba ako na sasama ako? Tangina mo pala desisyon ka rin eh noh?" Binatukan ko ng mahina si Anya. Nananahimik nga ako habang naguusap sila tapos dinamay pa ako?
BINABASA MO ANG
Lost Souls
Teen FictionSol, a business management student, has her life planned, not exactly how she wanted it though, it was to make her dad proud and to lessen the guilt she was feeling, until she met Eli. He was a lead singer in a band, the guy that sent her butterflie...