"Samahan mo ako mamaya" tinapik ni Anya ang balikat ko para mapansin ko siya, busy kasi ako magnotes habang nagdidiscuss yung prof
May exams kasi kami sa monday kaya kailangan ko talagang magnotes, baka mamaya bumagsak ako, hindi ko pa man din naiintindihan ang pinagsasasabi ng prof ko. Hayst! Mukhang pipilitin ko nanamang intindihin to magisa.
"Saan nanaman? Magrereview pa ako may exams tayo sa monday gaga" sabi ko naman habang nagnonotes pa rin
"Eh friday naman ngayon ah, may saturday at sunday ka pa para magreview. Sige na please" pagpilit niya, pinagdikit pa talaga niya yung dalawang kamay niya na parang nagmamakaawa. Hindi ako sumagot, iniisip ko kung papayag ba ako
"Sige na please" nagpout naman siya "libre ko naman yung drinks mo tsaka na rin food, maaga tayong uuwi promise, di tayo aabot ng madaling araw" pagpupumilit niya pa rin
"Oo na sige na, saan ba tayo pupunta?"
"Yung bar na may live band, malapit lang naman sa condo. Imemeet ko kasi yung guy na nakilala ko sa tinder, sya yung lead guitarist ng banda na nagpeperform doon every friday" Hay nako! Kaya naman pala gusto niya akong isama eh, imemeet pala yung nakilala niya sa tinder, malamang kapag di niya trip yung guy sesenyasan nanaman niya ako para gumawa ng excuse para sa kanya
"Anong gagawin ko doon? Tutunganga? Papanoorin ka lumandi?" Sabi ko, inirapan naman niya ako atsaka siya tumawa
"Pwede ka naman humanap ng kalandian doon ah, pero kung mas bet mo tumunganga why not? Di kita pipigilan" Sabi naman niya, tsk!
"Basta siguraduhin mo lang na di tayo aabot ng madaling araw sasabunutan talaga kita Anya!"
Mabuti nalang medyo maaga kaming nakarating sa bar, wala pang masyadong tao. Meron bakanteng table sa harap mismo ng banda, nahihiya pa akong umupo doon kaso lang nagpumilit itong si Anya
Dumaan muna kami sa condo para makapagbihis dahil nakauniform pa kami kanina. Sa iisang condo lang naman kami nakatira ni Anya, regalo sa kanya yun ng parents niya nung debut niya, mayaman kasi ang pamilya nila. Hindi na niya ako pinagbabayad ng renta kasi daw siya naman ang naginsist na doon na ako tumira
Hindi naman mayaman ang pamilya namin, kung hindi nga ako pinatira ni Anya sa condo niya ay baka hindi ako nakakapagaral dito sa Manila ngayon.
Medyo dumami na ang tao, nagorder na si Anya ng Smirnoff atsaka nachos para sa amin. Hindi naman kami magpapakalasing ngayon dahil kailangan pang magdrive pauwi, mukhang gusto lang talagang lumandi ni Anya.
"May nakita ka na bang bet mo?" Siniko ako ni Anya
"Sabi ko naman sayo wala akong balak lumandi ngayon!" Sinamahan ko lang naman kasi talaga siya. Para naman masabi niyang supportive ako sa kalandian niya!
"Tangina ang boring naman nito" Tinawanan ko nalang siya.
Narinig kong may nagsigawan na mga babae kaya naman napatingin ako sa harapan, andito na pala yung banda, nagseset up na sila. Pasimple naman akong sinisiko ni Anya
"ano?" iritang tanong ko
"Tangina ang gwapo" bulong niya, ramdam na ramdam ko ang kilig niya
Tinignan ko naman yung lalaking sinaksak yung cord ng gitara niya sa amplifier, tangina ang gwapo nga!
"Gaga iba naman yung tinitignan mo eh" Sabi ni Anya, tinuro niya yung lalaking may hawak ng electric guitar

BINABASA MO ANG
Lost Souls
Подростковая литератураSol, a business management student, has her life planned, not exactly how she wanted it though, it was to make her dad proud and to lessen the guilt she was feeling, until she met Eli. He was a lead singer in a band, the guy that sent her butterflie...