Choices, Decisions, and Regrets
It was a rainy afternoon when I decided to get up and do my supposed to be morning routine. I didn't bother to make food because the weather persuaded me to just get back in the bed and tuck myself inside my comforter.
I closed my eyes and just think cluelessly about something I'm not supposed to give a damn to. Little did I know that tears are slowly flowing on my cheeks making a small pattern on my pillowcase.
"Every fucking time..." I mumbled.
I sighed heavily as I decided to open my eyes and wiped my tears off.
"How could you still do this to me... it's been five years..."
I pulled my pillow closer to me and hugged it tightly as I drawn myself to my own tears remembering every single day of my memories five years ago... how every thing could've been saved and how every thing shouldn't have done.
Matagal ang pagtitig ko sa labas ng eskwelahan namin habang iniintay na magsipasok ang halos kalahati ng mga estudyanteng naghihintay sa pila sa labas ng guardhouse. Bagama't nagdadalawang-isip akong pumasok ay pinili ko pa ring pumasok.
Limang buwan na simula nang mag-umpisa ang klase pero parang ngayon lang umuurong ang sikmura ko na pumasok at huwag nang ituloy ang huling taon ng kurso ko.
Kahit nag-aalinlangan ay pumasok pa rin ako at isinawalang-bahala na lang ang nasa isip. Don't get me wrong, hindi ako iyong tipo ng estudyante at tao na walang pakialam sa pag-aaral ko o sa mga pangarap ko... I dream enormously and as high as I could be.
Pero kasi, natatakot ako...
Napatigil ako habang naglalakad nang may isang pamilyar na bulto ang humarang sa akin. Ang amoy ng kaniyang pabango ay sobrang pamilyar sa akin at kahit pa sa malayo, maamoy mo lang ito ay alam mo na kung sino ang nagmamay-ari nito. Ang tikas ng katawan niya ay walang binatbat sa iba na animo'y kinulang sa sustansiya o ano. At ang mukha niya... walang katulad.
"Anong ginagawa mo rito?" Marahan ngunit mariin na tanong ko sa kaniya.
Alam kong hindi maipinta ang mukha kong nakaharap sa kaniya pero nabigla ako! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya matapos... matapos ng mga nangyari sa amin isang linggo na ang nakalilipas.
"You dumped me a week ago, bago pa man magkaroon ng sem-break. You went to Singapore sabi ng mga kapatid mo, so I followed. Pagkarating ko ro'n, wala ka naman. Where did you go?" Malumanay ang pagkakasabi at pagkakatanong niya pero mararamdaman mo sa tono niya na galit siya.
"That's none of your business-"
"Where did you go?"
Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin sa akin. Napaigtad ako nang marahan niyang hinawakan ang siko ko pero agad ko iyon hinila pabalik, nagulat siya sa ginawa ko pero 'di ko iyon pinansin.
"Get out of my way, CK."
He gritted his teeth and looked away. I sighed and readied myself to walk away but he was just so fast to hold my arm and pulled it closer to him.
"Aleandra, please... Let's talk. What did I do?"
"Nothing. You did nothing, CK. I just don't want to be with you anymore."
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero hindi niya iyon pinahalata sa akin bagkus ay hindi siya nag-alinlangan na hilahin ako palayo sa mga tao. Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako hinayaan. Hanggang sa makarating kami sa isang abandonandong silid ay hindi pa rin niya pinapakawalan ang braso kong kanina pa niya hila-hila.

YOU ARE READING
Downfall
General FictionAleandra Jayden Castañeda has to give up everything including the love of her life, Cairo Keegan Fitzgerald just to save herself from drowning and falling and dying. She risked everything so that she could live and be better but little did she know...