Everything
3 months... ganiyan kabilis ang mga araw na nagdaan. Pasukan nanaman namin galing sa ilang linggong Christmas Break.
Nag-aayos ako ngayon ng mga gamit kasi bukas ay lunes na at may pasok na ulit kami.
Iniligpit ko ang mga gamit na dinala ko no'ng nagbakasayon kaming mag-anak sa Siargao.
Nalungkot nga ako nang bahagya dahil hindi ko nakasama si CK ng mga araw na 'yon pero nabawi naman nang magbalik kami no'ng isang araw. Agad akong niyaya ni CK sa isang magandang pasyalan, nakalimutan ko nga lang yung pangalan.
Habang nag-aayos ay nakita ko ang group photo naming magkakaibigan. Iyon ay iyong araw ng sembreak namin at pumunta kami ng Batangas para magbakasyon.
Marami ang nangyari sa araw na iyan at isa na ro'n ay no'ng umamin kami ni CK. Nagulat pa nga ako na nabigla sila pero kalaunan naman ay natuwa sila at sinabi pang 'expected' na raw nila.
"See? I told you guys. Sila ang magkakatuluyan! Hindi niyo kasi nakikita no'ng nga high school pa lang 'yang dalawang 'yan! Akala mo mga linta na sobrang dikit sa isa't isa." Tumatango-tangong kwento no Penelope sa barkada.
Uminom muna ng shot niya si Jian bago dugtungan ang kwento ni Penny, "Kaya pala 'tong si CK nanghihingi ng mga advice para manuyo... may sinusuyo na pala talaga!"
Natawa kami sa sinabi niya. Nagtuloy naman ang iba sa pag-inom ng mga shots nila.
Katabi ko si CK ngayon at pa-simple kaming magka-holding hands. Kahit naman alam na ng mga barkada namin na kami na ay nahihiya pa rin ako sa kanila...
"Totoo! Akala ko nga pinopormahan niya ulit si Savannah 'e! Akala ko babalikan, si AJ na pala yung pinopormahan!" Tawang-tawa si Wyatt nang ikwento niya iyon pero parang siya lang ang natawa sa sinabi niya.
Parang may anghel na dumaan pagkatapos ng kwento ni Wyatt. Napaismid ako do'n at bahagyang kumawala sa pagkakahawak ni CK. Nagkatinginan kaming tatlo nina Emily at Penny, ngumisi lang ako sa kanila at huminga nang malalim.
Nakita kong binatukan ni Jian si Wyatt pero parang wala lang kay Wyatt 'yon. Masyado na rin kasi siyang lasing kaya siguro kung ano-ano ang nasasabi niya.
"Wyatt's a dumb-ass. 'Wag kayong maniwala dito." Hilaw na ngumisi si Jian sa akin pero nginitian ko lang siya.
"Ayos lang." Sabi ko at ininom ko ang shot na para sa akin.
"Love..." Rinig kong tawag ni CK sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Kumuha ako ng ilang tsitsirya atsaka nilantakan iyon. Nagsimula na ulit magsalita ang mga kaibigan namin pero nilihis na ang topic na sinimulan ni Wyatt.
"Love..." Hirit pa uli ni CK, pero ngayon naman ay hinahaplos niya ang braso ko. Nagsitayuan ang balahibo sa katawan ko at lalo na sa brasong hinahaplos niya kaya binawi ko iyon mula sa pagkakahawak niya at umusog palayo sa kaniya.
Ayaw ko ng gano'n... ang makaramdam ng kahit na ano mula sa paghaplos niya, baka kasi hindi ko mapigilan at baka may magawa ako... o kami na hindi ko alam kung kakayanin ko ba...
I heard him sighed.
Actually, wala naman sa akin ang sinabi ni Wyatt... kung siguro ibang babae ang tinukoy niya at hindi si Savannah.
Pero wala naman na 'yun. It's all in the past at alam ko at naniniwala ako na wala na 'yon kay CK kasi alam kong ako lang...
Sana ako lang.
"Aleandra, come on..." Napapikit ako nang tawagin niya na ang pangalan ko. Unti-unti akong lumingon sa kaniya at binigyan siya ng pagod na ngiti.
"Inaantok na ako, Cairo." Sabi ko at tumayo na. Nakita ko rin siyang tumayo at tumingin muna sa mga kaibigan para sabihin na aalis na at magpapahinga kami.

YOU ARE READING
Downfall
General FictionAleandra Jayden Castañeda has to give up everything including the love of her life, Cairo Keegan Fitzgerald just to save herself from drowning and falling and dying. She risked everything so that she could live and be better but little did she know...