Chapter 1

8 0 0
                                    

Love

"So I guess hindi muna tayo tuloy sa clubbing nito?"

It was a typical friday afternoon with my barkada dito sa tambayan namin sa likod ng building ng college namin. Tanungan kung may galaan ba after class kasi biyernes naman at rest day kumbaga ng mga estudyante.

Tinitignan ko lang sila, minamasdan kumbaga habang busy ako ngumangata ng pagkain ko at umiinom ng juice.

"Bakit naman?" Penelope asked. She's one of my closest friends, since high school pa lang magkaibigan na kami and also, blockmate ko rin.

"Eh diba nga, wala naman 'yan mamaya," Turo sa akin ni Jian, kaibigan namin na isang Architecture student, "Atsaka si Emily pupuntang Antipolo, diba, Em?"

Ngumuso ako sa pagkakaturo sa akin ni Jian at nag-peace sign na lang sa mga kaibigan, samantalang si Emily ay tipid na ngumiti at nagpatuloy sa pagbabasa. Isa kasi siyang Law student at ang alam ko may kailangan siyang aralin ngayon na mga digests ata or what, basta!

"San ka naman pupunta AJ?" Tanong ni Wyatt. Ang best friend ni CK na nasa kanan niya. Pareho yan silang Engineering student.

Tumingin ako kay CK na kanina pa pala nakatingin sa akin. Pareho kaming napangisi at nag-iwas ng tingin. Maya-maya pa ay pinagkantiyawan kaming dalawa dahil daw sa 'mga sikretong lakad' naming dalawa.

"Hala, hindi ah! Walang ganiyan!" Natatawa kong tanggi pero hindi naman nila tinatanggap. Patuloy pa rin sa pang-uusisa at pangungulit.

"CK and I are just friends. Sasamahan niya lang akong bumili ng susuotin ko para sa trip natin sa sembreak. Ano ba kayo!" Kinagat ko ang labi ko at nahihiyang tumingin sa kanila at kumuha ng tsitsirya.

"Sus! Hindi na lang ninyo aminin na kayo ni CK. Wala namang magagalit, support pa kami!" Arangkada ni Penelope na kanina pa ako kinikiliti.

"Oo nga naman, AJ at CK. Bagay naman kayong dalawa, kayo na lang kaya?!" Natatawang binitawan ni Emily ang binabasa niya at kumuha ng slice ng pizza at kinain. Nanunuyang nakatingin sa akin habang ngumunguya.

I make face at her at pabirong tinapunan siya ng gummy bears.

Samantala ang mga kalalakihan naman ay nginingisian lang si CK, hindi man nagsasalita, alam ko na ang tumatakbo sa mga isipan nila.

Well, CK and I knew each other way before we knew our friends. We were already friends right before junior high since we lived right next to each other and our parents are sort of business partners. We were inseparable ever since not until college when he decided to take up Engineering while I, Business Ad.

Tumayo si CK mula sa batong kinauupuan niya at dahan-dahang umupo sa tabi ko, tumili nang mahina ang mga kaibigan kong babae at pinagtutulakan ako sa gilid ni CK. Sinuway ko ang mga ito pero pinagalitan lang ako.

"Hey, stop it! Wag kang KJ, AJ! Support kami!" Tumawa si Penny at tumango-tango naman si Emily. Tinignan ko sina Wyatt at Jian na parehong tumatawa lang.

I sighed heavily before turning around to see CK but I think I made the wrong move kasi once I turned around, sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

I am nervous to see him this close na parang sampung sentimetro na lang ang layo niya sa akin.

"Do you want to go out with me, Aleandra?"

Tinulak ko siya palayo at inayos ang damit kong ginusot. Tinignan ko ang relo ko at nginitian ang mga kaibigan.

"Pen, tara na, malapit na matapos ang break natin." Tumayo ako pero sinimangutan lang nila akong lahat maliban kay Cairo na nakangisi habang nakasandal siya sa sarili niyang balikat, suportado ng dalawa niyang braso at siko.

DownfallWhere stories live. Discover now