I'm wide awake

10 0 0
                                    

(Lifeline Sound) *beep* *beep* *beep*
Ano ba tong naririnig ko? Nghh nanghihina ako... Sino tong mga taong nakikita ko, bakit sila nagkakagulo? Bakit mayroong hindi pumapansin na lalaki sa harap ko.... ahh hindi ko na ka...ya

*beep* *beep* *beep* *beeeeeeeeep*
Mira's Pov

Ngghh asan ako? Bakit ang liwanag? Bakit wala man lang mang katao-tao?! Teka ayun! Sino kaya yung mga yun? Ano yung pinag-uusapan nila?

"Huwag muna please!"
"Hindi na pwede iho.. pasensiya na..."
"Gagawin ko lahat basta't wag muna ngayon... parang-awa nyo na!"
"O sige ngunit---"

Huh? Anong nangyayari... ang sakit ng ulo ko... Nahihilo ako....
*heavy breathing* Ang sakit... *thud*

*beep* *beep* *beep*
"Huh? A-asan ako?" Pag kagising na pagkagising ko eh nakita kong umiiyak ang ate ko..

"Ate Kate! Bakit ka umiiyak dyan?"

Kate's Pov

*sniff* *sniff*
Iniwan na ko ni mira.... kami na nga lang ang magkasama tas iniwan pa nya ko... bakit mo to ginawa....

"Ate Kate! Bakit ka umiiyak dyan?"

Totoo ba tong naririnig ko?!!

"Mira!! Nagising ka! Diyos ko maraming salamat po at hindi nyo pa kinuha ang kapatid ko!! Miraaaa akala ko nawala ka na! Akala ko iniwan mo na ko..."

Napahagulgol na lang ako ng iyak sa sobrang tuwa at hindi ako iniwan ng nag-iisa kong pamilya.

"Ano bang nangyari ate, bakit ba ako nasa ospital?"

"Hindi mo ba matandaan? Hindi ko rin alam basta ang alam ko lang umalis ka ng hindi nagpapa-alam at nabalitaan ko na lang na nabundol ka ng truck... Sobrang nag-alala ko akala ko iiwan mo na ako! :'("

Mira's Pov

"Aw ate ang sakit ng ulo ko.."

"Teka tatawagin ko lang ang nurse ha."

Paglabas ni ate tinignan ko kagad ang sarili ko sa salamin.

"Grabe ang dami kong sugat! Ano bang nangyari sakin?!"

Tinignan ko ang katawan ko mula paa hanggang ulo at nang paparating na ko sa ulo ay may nakita akong lalaki sa likod ko. Hindi ko kagad namalayan pero ng makita ko siya ay nakaputi siya at sobrang linis. Katamtaman lang ang build ng katawan niya at kulay dilaw at magulo ang buhok niya. All in all, ang hot niya!

"Sino ka?! Pano ka nakapasok dito?!"

"Relax ka lang."

Ang hot din ng boses nya!!

"O ano, kamusta naman ang kalagayan mo?"

"Huh? Bakit ikaw ang nagtatanong, nauna ko diba? Ni hindi nga kita kilala eh tas kung maka asta ka akala mo bespren kita?"

"Tch, mabuti nga concerned ako sayo eh."

Ay... nakaka turn off akala ko mabait, ang sungit naman pala!

"Sa ngayon oo pero pag di ka lumabas tatawagin ko yung nurse tapos magtititili at magwawala ako dito."

"Bahala ka kahit tumili ka pa wala namang mangyayari eh."

"Ah ganun ahh...Aaaahhhhhh!!!!! Ateeeeee!!! Nurseeeeee!!! May pumasok na rapist ditoooooo ahhhhhhh!!!!!"

"Kahit ako di magtatangkang pagsamantalahan ka no hahahaha"

*Biglang bukas ng pinto*

"Bakit Mirandaa?! Asan?! Asan yung rapist?!?!"

"Ate ayan oh nasa harap mo lang!!!"

"Huh? Masyado bang napalakas ung pagkabagok ng ulo mo? Eh wala namang tao eh!"

"Huh eh ayan l--"

Nawala siya bigla, para bang bula na naglaho na lang sa hangin. Bakit ba nung nakita ko siya eh parang may nakalimutan akong bagay na sobrang importante.... ano kaya yun.. mabuti pa wag ko na lang isipin yun, sumasama lang pakiramdam ko. Sino kaya yun?

UnforgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon