"Clark..." mahinang sambit ko nang makita ko ang isang pamilyar na lalaki. Tama nga ako, sya nga.
Limang taon na ang nakalipas pero bakit hanggang ngayon masakit parin? Bakit hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan lahat ng mga nagawa mo?
Nothing had changed. You're still the man I hate the most.
"Lia..are you okay?" Tanong ni mave. "Y-yes of course, tara? Malapit na magstart yung kasal nila kuya"
He's still with her...with my cousin.
Paano nya nagawang magpakita pa dito matapos lahat ng ginawa nya? Para saan? Para ipakita na masaya sya? Habang ako nandito umaasa parin sa kahapon?
"Nathalia.." sa gitna ng pag-iisip ko narinig kong may tumawag sa akin. Inikot ko ang paningin para malaman kung sino iyon.
"Clark.." mabilis akong napatayo at biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita sya sa likod ko, anong gagawin ko? Handa na ba akong kausapin ulit sya? "Hey it's been awhile" naka-ngiting sabi nya.
Right, it's been awhile
Sa hindi inaasahang pagkakataon nagbalik lahat ng sakit sa dibdib ko.
Flashback
"No! Hindi magagawa ni clark yang mga sinasabi nyo! Mahal na mahal nya ko!" Sigaw ko sakanila, "Nathalia! Please wake up! Hindi ka nya mahal! Stop being so stupid!" Ano bang sinasabi nila? Totoo namang hindi ako magagawang lokohin ni clark eh alam ko 'yon laging sinasabi sakin ni clark na ako lang daw ang babaeng mamahalin nya. "No, I don't believe you" malamig kong sagot sakanila, "then, go see it for yourself! Alam mong hindi ko kayang magsinungaling sayo so please believe me." Pakikiusap pa ni mave saakin. Paano kung totoo? Kakayanin ko ba? Niloloko na ba talaga ako ni clark? Dali-dali akong umalis para puntahan si Clark sa condo nya, sigurado akong mali ang mga sinasabi sakin nina mave. Agad akong pumara ng taxi at sinabi kung saan ako pupunta. Habang hinihintay kong makarating kami doon ay walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kakayanin ko ba? Nang makitang malapit na kami ay kumuha na ako ng pera pambayad kay manong. Maya maya pa ay tumigil na ito sa harap ng isang building, agad ko namang inabot ang pera saka derestong bumaba. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko, mabilis ang tibok ng puso ko alam kong delikado para sakin 'to pero anong magagawa ko? Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Sumakay nalang ako ng elevator kahit di sigurado. Alam kong may nakasunod saakin, ramdam ko yon at alam kong si mave yon. Nang makarating kami sa 25th floor ay agad kong tinahak ang daan papunta sa unit nya habang papalapit ako doon ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at nahihirapan na rin akong huminga. Nanatili muna ako sa harap ng pinto ng unit nang biglang magsalita si mave sa likod ko, "lia, andito ako hindi kita iiwan dito" pagkasabi nya noon at agad kong naramdaman ang marahan nyang hagod sa likuran ko. Kahit nanginginig ang kamay ay pilit ko paring binuksan ang pintuan. Si clark... Si ate krisha... Parehas silang nakahiga sa kama parehong walang kahit anong saplot, bago pa man sila magising ay nagdilim na ang paningin ko at sinugod sila. "Clark! Ang gago mo! Ano? Masaya ka na? Nakuha mo na yung gusto mo?! Sa lahat ng pwede mong ipalit sakin yung pinsan ko pa?" agad naman syang napabangon at makikita mo pa sa kanyang mga mata ang pagkabigla, "love, please l-let me explain please" pagmama-kaawa nya pa sinubukan nya akong lapitan pero agad syang hinirangan ni mave. The next thing I knew everything went black.
End of flashback.
"Hey, are you okay?" Bumalik lang ako sa huwisyo nang bigla syang magsalita sa harap ko "sorry, may iniisip lang, ano nga yung sinasabi mo?. Wala naman kasi akong narinig masyado.
"Ang sabi ko ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi tulala" napamaang ako at agad na tumango. "I wanted to ask you something" dami namang sinasabi neto gusto ko nalang umalis, "what is it?" Tanong ko sakanya. "I want to invite you to our wedding." Naka-ngiting sabi nya, wedding? Ikakasal na agad sila? Mukhang ako nalang talaga ang hindi pa nakakamove on. "Really? I-im sorry I can't come" bakit naman sa dinami-raming pagkakataon ngayon pa ko hindi makapagsalita ng deretso? Nang tignan ko sya ay halata sa kanyang mga mata ang pagkabigla.
Tell me how can I attend your wedding when you ruined ours?
Damn it
I hate you, Clark Vermonte. I hate you.
A/N: I'm sorry for the errors, I'll edit this soon. Thank youuu.
YOU ARE READING
Wild hearts
Teen Fiction"Maybe one day I'll realize that you're not really the one" -nathalia Ever since, Nathalia Monteverde met Clark Vermonte she already told herself that she's not interested.But things don't work the way you wanted. Disclaimer: this is just a work of...