Nang makarating ako sa bahay nina mave nakita kong may nakaparadang pamilyar na sasakyan. "Kay elias to ah? Nakauwi na sya?" Nagtatakang tanong ko sa sarili.
"Let me guess, you're thinking na nakauwi na ako 'no?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng tao sa likod ko!
Agad na hinanap ng mga mata ko kung sino iyon. Agad na namilog ang mata ko nang makita kung sino iyon.
"Elias?!" He's back! Elias Vaughn Alviar is back! I can't believe this! Finally he's here again, may pwede na akong excuse kay dad bukod kay mave.
"Surprise!" Naka-ngiting sabi nya, wala na akong masabi kaya napayakap na lang ako sakanya. Ang daming nabago sakanya he's taller now, mas matangos na yung ilong nya, yung jawline nya mas visible na ngayon, pero sya parin yung best friend ko. Damn, I miss this guy..
"Hindi mo sinabing uuwi kana edi sana nasundo kita, kelan ka nakauwi?"
"3 days ago, it's not going to be a surprise kung sasabihin ko sayong uuwi ako di'ba? Magmumukha kang tanga nun HAHAHHA"
Akmang hahampasin ko sya nang agad naman syang umiwas. "Punta ko sa mall sama ko kapatid mo, sama ka?" Minsan lang ako mag-aya, siguradong sasama agad yan kahit di ko na yayain. "Syempre sama ko" tumango tango sya na parang bata.
"Hoy! Kayong dalawa dyan! Ano? Dyan nalang kayo? Di na tayo aalis?" Hayy the usual mave, laging nagmamadali umalis.
Nagkasundo kaming tatlo na kumain muna bago mag-arcade kaya andito kami sa "italianni's restaurant" hindi na ako magtataka kung bakit dito napili ni Elias, he's living in Spain but he loves italian food, parehas lang silang magkapatid.
"So, lia sabi mo pinaplano ng parents mo na sa spain ka mag aaral di ba? Matutuloy ba?" Tanong ni Eli, "Ay nako! Asa ka naman na papayag lang ng ganon ganon ang tatay nyang pinaglihi sa sama ng loob" kahit kelan talaga ang bibig ni mave walang preno. Well, tama naman sya pero may kung ano parin sa loob kong umaasa na pumayag si dad.
"Hindi pa naman namin napaguusapan yan kase busy sila" pagsisinungaling ko pa sakanila kahit ang totoo hindi ko na ulit tinatanong pa sila mama tungkol dyan.
"Well, that's sad. Gusto mo samahan kita kausapin parents mo? Baka sakaling pumayag, sa gwapo kong to? Sus, basic lang yan HAHAHA"
MAHANGIN.
Tahimik lang kaming kumakain nang umandar na naman ang walang prenong bibig ni mave.. "OMG! lia, si clark ba yon? Tignan mo! tingin ko si clark talaga! Grabe! Likod palang nakakafall na shemsss!" Ganito ba sya kabaliw sa clark na yan? Kakatransfer palang nyan ah? Psh. Nawala ata taste ng babaeng 'to.
Nilingon ko ang direksyon na tinuturo ni mave...at tama nga sya nandoon si clark nakatayo at kausap ang isang crew.
Hindi ko nalang pinansin iyon saka nagpatuloy sa pagkain. Malapit na ang entrance sa Chesterfield university, paano ko pa sasabihin kay dad na sa spain ko gusto magkolehiyo at kay elias na hindi pa ako nagsasabi kay dad?
"Mave? Lia? Woah, I didn't know you eat here, kayong dalawa lang ba?" Biglang sulpot ng lalake sa tabi namin, kahit hindi ko lingunin ay alam ko na kung sino na naman 'to.
We're three, u blind dude?
"Oh, hi clark! Actually we're three, my brother's with us hihihi"
YOU ARE READING
Wild hearts
Teen Fiction"Maybe one day I'll realize that you're not really the one" -nathalia Ever since, Nathalia Monteverde met Clark Vermonte she already told herself that she's not interested.But things don't work the way you wanted. Disclaimer: this is just a work of...