Five years ago....
"Mave! Bilis naman male-late na tayo!" Inis kong sigaw kay mave, bakit ba kase nagpapasundo pa sya eh ang yaman naman nila? Hmp.
"Okay na, naubusan ng gas sasakyan ko eh tara? Daan muna tayo starbucks ah?" Kita nyo na? May pang-starbucks pero walang pang-gas.
Tahimik lang akong nagda-drive papuntang starbucks. Makalipas ang 15 minutes nakarating na agad kami doon dahil hindi naman ganon ka-traffic. "Lia, ano sayo?" tanong ni mave saakin kahit alam ko namang ako parin ang magbabayad. "Kung ano sayo, yun nalang din akin" sagot ko. Mabilis naman naming nakuha yung order namin kaya nakalabas agad kami para pumasok sa school.
"Mave, ikaw nalang magdrive" hindi na sya umangal pa at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan. Hindi naman kalayuan ang school kaya hindi pa kami late hehe..
"Lia alam mo na ba? May transferee daw sa section nyo?" Huh? transferee? "Transferee? Sino daw?" Tanong ko pabalik "Ewan ko, narinig ko lang sa mga nagchichismisan kanina eh, lalake daw" lalake? Sino naman yun? Bahala na hindi naman ako nagkakaroon ng interes sa mga ganyan.
"Hoy, una na'ko ah?" Tumango lang ako bilang sagot. Magmadali na agad ako pumunta ng classroom ko nang maalalang may recitation pala ngayon.
Pagkapasok ko palang sa room naririnig ko na agad ang mga bulungan nila tungkol dun sa transferee.
"Okay, Good morning class. Take your seats." Sumunod naman kaming lahat. "Class, we have a new student in our section, please introduce yourself " pagkatapos sabihin iyon ni sir ay tumayo naman ang isang lalaking nakaupo sa tabi ko.
"Good morning, I'm Clark Vermonte,19"
Yun na yon? Infairness gwapo sya, matangkad, matangos ang ilong, mahabang pilik-mata, mapulang labi, kaso mukhang maraming babae 'to.
"Okay, you may take your seat" saka naman sya umupo sa tabi ng upuan ko.
Discuss...
Discuss...
Recitation...Natapos na't lahat parang walang pumasok sa utak ko ni isa. "Hi, I'm Clark" naka-ngiting pagpapakilala nya, "hi I'm nathalia but you can call me lia for short" naka-ngiting sagot ko sakanya, ngumiti lang din sya bilang sagot.
Clark Vermonte..nice name.
Mabilis na lumipas ang oras sa sobrang bilis at nandito na agad ako sa canteen hehe. "Ang tagal naman dumating nun akala mo sa kabilang baranggay pa nanggaling psh" mahinang bulong ko sa sarili habang hinihintay si mave. "Hoy babae!" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat dahil sa pagsigaw ni mave, "letse ka talaga kahit kelan!" Natawa pa sya hmp.
"Hi! Can I seat here?" biglang tanong ng lalake sa harap namin...si Clark lang pala. Tumango lang ako saka ngumiti bilang sagot. Hindi ko alam kung anong dahilan bakit nang umupo sya sa tabi ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba, di naman siguro sya patay di 'ba?
Tahimik lang kaming kumakain, paminsan minsan na nag-uusap. Iniisip ko kasi kung ano na naman ang isasagot ko sa parents ko mamaya sa family dinner, alam kong tatanungin ulit nila ako kung anong balak kong kunin na course lalo na't college na ako next year. Kung tutuusin ay dapat alam ko na ang gusto ko pero sa posisyon ko hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako, nandyan pa rin ang sasabihin ng mga magulang ko na "Nathalia, you're a monteverde at alam mong wala sa pamilya natin ang hindi naging successful."
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang magsalita si mave sa harap ko, "lia, di'ba may klase ka pa? Lakad na male-late ka nyan." Saka ko naman tinignan ang relo ko at tama nga sya. Agad naman akong tumayo at nagpaalam sakanila na muuna na.
Uupo na sana ako sa pwesto ko nang may biglang sumigaw ng pangalan ko sa labas ng classroom, lumingon ako sa dereksyon kung saan nanggaling ang sigaw pero mukhang naka-alis na pero may iniwan naman syang isang white rose, "favorite flower ko...sino kaya yun?" Mahina kong tanong sa sarili saka bumalik sa upuan.
Discuss...
Discuss
Discuss..Bakit puro discuss? History class naman kasi, sa sobrang pagka-bored ko ay sumagi naman sa isip ko si clark at ang mala-perpekto nyang mukha, "miss monteverde, are you with us?" Napatayo ako nang banggitin ni ms.falcon ang pangalan ko, ganun ba ako kahalatang hindi nakikinig? "Yes miss, sorry" tumango nalang sya kaya nakinig nalang din ako baka malaman pa ng parents ko 'to delikado buhay ko.
Pagkatapos ng klase na 'yon ay dismissal na kaya nandito ako sa parking lot. Medyo madilim na pero ayoko pa rin umuwi, for sure naman wala pa sila sa bahay.
Nagdrive muna ako papunta sa isang park malapit sa village namin, dito kase yung lugar na tahimik at makakapag isip isip ako. Sa utak ko ay gusto kong maging lawyer pero sa puso ko gusto ko maging doctor. Bata palang kasi ako 'yon na ang gusto ko.
Napatingin ako sa phone ko nang magring ito, si kuya tumatawag na I'm sure he's going to ask where I am. "Kuya? I'm here at the park, near our village" narinig ko naman ang pagtunog ng kubyertos sa likod "anong oras ka ba uuwi? You're 25 minutes late Nathalia" mahahalata sa boses nya ang inis "I'm on my way" sagot ko sakanya at saka ibinaba ang tawag. Hindi ko namalayang ganun na pala ako katagal nandoon paniguradong mapapagalitan ako nina daddy.
Pagkapasok ko ng bahay ay dumeretso ako sa dining area kung nasaan sila mama, "ma, sorry I'm late" sabay halik sa pisngi nya at ganun din kay dad....
____________________
To be continued...Thank you!
YOU ARE READING
Wild hearts
Teen Fiction"Maybe one day I'll realize that you're not really the one" -nathalia Ever since, Nathalia Monteverde met Clark Vermonte she already told herself that she's not interested.But things don't work the way you wanted. Disclaimer: this is just a work of...