Kadarating ko palang naman pero kinakabahan na agad ako. "Saan ka nanggaling? Bakit late ka nakauwi?" Si dad sa malamig nyang boses, hinampas naman sya ni mama sa kamay "let her change first, nasa hapag tayo." Medyo gumaan naman ang loob ko saka nagpaalam na aakyat at magpapalit muna.
Pagkapasok ko sa kwarto ay bumagsak ang balikat ko. Kumuha nalang ako ng damit sa cabinet at mabilis na nagbihis dahil baka lalong magalit si dad. Pagkatapos ko ay bumaba na agad ako at dumeretso sa dining table. "So, tell me bakit late ka naka-uwi? Saan ka nanggaling? Wag ko lang malaman na nagbubulakbol ka at talagang itatakwil kita." Napayuko naman ako sa sinabi ni dad nandito na naman yung kaba. "I'm sorry, dad. Galing lang po ako sa park, sorry I didn't ask for permission." Nanlalamig na ang kamay ko nang hawakan ni kuya yon, si kuya lang ang nakakaalam bakit ako nagkakaganito.
"Nate! Where's lia?! Talagang yang kapatid mo wala kakwenta-kwenta! Naririnig ko lahat ng sinasabi ni dad ngayon. Nandito ako sa storage room, nagtatago. Balak ni dad na ipagkasundo ako sa anak ng stockholder sa kompanya pagdating ko sa edad 18, agad naman akong tumanggi at tumakbo paalis kaya galit na galit si dad ngayon. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko nang biglang may nagbukas ng pintuan....si dad... "Ikaw! Wala ka na ngang maitulong dito nagawa mo pa akong ipahiya sa kompanya! Tumayo ka dyan! Bilisan mo!
Hinila ni dad ang braso ko kaya napatayo ako. Ayoko na, natatakot na ako. Nang makarating kami sa labas ng storage room ay nasampal ako ni dad lalo akong napaiyak sa sakit hindi lang dahil sa sampal kundi dahil rin sa dibdib ko masyadong masakit, hindi ako makahinga... Sigaw parin ng sigaw si dad nang mahagip ng mata ko si mama na tumatakbo papunta sa direksyon namin. "Gio! Tama na! Anak mo yan! Itinayo ako ni mama dahil nakahandusay na ako. Hanggang sa wala na akong maramdaman. Wala na akong makita.
Tahimik na lang akong kumain habang inaalala ang pangyayaring iyon tatlong taon na ang nakakalipas. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sakanila na gagawa lang ako ng assignments ko.
Nakaupo lang ako sa harap ng study table ko nang may narinig akong kumatok sa pintuan. Hindi pa man sya nakakapasok ay alam ko na agad kung sino iyon... Si kuya... "Baby? You okay?" Tumango lang ako pero hindi parin sya naniniwala " I know you, lia. You don't have to pretend, tell me your problems I'm listening." Gustong gusto ko sabihin lahat kay kuya pero mas pinili ko nalang na tumahimik. Nakikita ko kasi sa mga mata nya na pagod din sya.
"You should take a rest, kuya. You look really tired" pagiiba ko sa usapan, "I have to study hard, bunso. You know kuya really want to be the best doctor di'ba?" Tumango lang ako saka sya niyakap. Matapos non ay lumabas na sya ng kwarto ko.
"How does it feel to be your dad's princess?" Tanong ko sa sarili. Minsan tuwing naaalala ko lahat ng mga naranasan ko sa tatay ko pakiramdam ko hindi nya ako tunay na anak. May nagawa ba 'ko? Bakit ganun si dad saakin? Anak nya ba talaga ako?
Sa kaka-isip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Weekend naman kinabukasan kaya medyo late na ako nagising. Bababa na sana ako nang bigla mag-ring ang phone ko si elias. Elias is my childhood friend, we've been friends or should I say best friends for 12 years now. "Hey, what's up?" Bati ko sakanya "nah, I just called to check up on you, you didn't reply on my messages. I'm kinda worried." Ganyan sya lagi tuwing di ako nakakapagreply. He's like my second kuya. "Yeah, sorry late nagising. Anyways I'll call you later, I have to do something. Bye!" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at saka binaba ang tawag.
Bumaba na ako at naabutan sila mama na nag-aagahan. "Naya, where's lia?" Narinig kong tanong ni dad kay mama kaya nanatili muna ako sa kinatatayuan ko para pakinggan ang usapan nila. "She's still in her room. She'll be here any minute now, why?" Tanong din sakanya ni mama, hindi naman agad sumagot si dad kaya nanatili silang tahimik. "I really wanna say sorry to her and be a good father for her. She experienced a lot with me. Her heart is still weak." Sagot ni dad. Tama ba 'tong naririnig ko? Gusto ni dad magsorry saakin? Sa pagkaka-alam ko kasi mataas pa sa eiffel tower ang pride ng tatay ko. At ano daw? Mahina? Ang puso ko? Hindi naman ah, lakas ko pa kaya. Nang muli silang nanahimik ay saka lang ako bumaba."Goodmorning mom, dad" bati ko sakanila. "Sit down, eat your food." Sagot ni dad kaya sumunod nalang ako baka magalit eh. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay napansin kong wala si kuya nate, "ma, where's kuya?" Tanong ko kay mama "He went out, he said he will pick-up his girlfriend"... Wtf? Kuya has a girlfriend? This better be a good girl, his ex was really a btch.
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kila mama, "ma, dad can I go out with my friend?" Nilingon naman nila ako "with mave only." Sagot naman ni dad kahit mukhang galit, mahinahon ang pagkakasabi nya noon kaya napa-ngiti ako, "Yes, dad" sagot ko saka umakyat sa taas narinig ko pang sumigaw si mama ng "Take care, baby. Make sure to come home before dinner, okay?" Napa-ngiti ako nung marinig kong tinawag ako ni mama na "baby" ngayon lang ulit yun eh, "Yes po" sagot ko.
Dali-dali na akong naghanda kasi susunduin ko pa si mave. Tinawagan ko muna sya para pag dating ko ay tapos na. "Hello, mave? Get ready we're going to the mall." Narinig ko pa na bagong gising sya, "Pinayagan ka na ba? Baka ako pa mapagalitan nyang tatay mong sa sama ng loob pinaglihi" sagot nya na natawa ako "Sira! Okay na, nakapag-paalam na 'ko. Bilisan mo na paalis na'ko. Binaba ko na ang tawag saka pumunta sa sasakyan.
Bago pa man ako maka-sakay sa sasakyan ay may nakita na naman akong tatlong piraso ng white roses sa windshield. "Kanino na naman kaya galing 'to?" Tanong ko sa sarili saka kinuha ang bulaklak at pumasok sa sasakyan.
____________________
To be continued....Thank you..
YOU ARE READING
Wild hearts
Teen Fiction"Maybe one day I'll realize that you're not really the one" -nathalia Ever since, Nathalia Monteverde met Clark Vermonte she already told herself that she's not interested.But things don't work the way you wanted. Disclaimer: this is just a work of...