Chapter 1

7 2 0
                                    

2 days later...

*Bizz bizz*

"Uhm.."

*bizz bizz biz---

Napakunot ang noo niya sa inis habang kinapa kapa ang kanina pang nagvivibrate na cellphone sa tabi ng kanyang unan.

Letse naman, antok pa yung tao eh.

Hindi na niya inabala pang imulat ang mata at basta na lamang ini-swipe ito.

Tinapat niya ang telepono sa tenga at hinintay kung may magsasalita ba.

"JELIAN PASQUAL ROMANO!"

Pungas pungas na nagmulat siya ng mga mata pagkatapos ay inilayo agad ang telepono sa tenga.

Alam na niya agad kung sino ang bruhildang tumatawag sa umagang kay aga.

"Aga aga, ano na naman ba?" Inis na wika niya sa medyo paos pang boses dahil sa bagong gising pa lamang siya.

Ini-loud speaker niya ang cellphone nang sa gayon ay hindi na niya ito kelangang itapat sa tenga at baka mabasag na ang eardrums niya.

"TODAY IS MONDAY! KELANGAN MONG MALIGO AT MAGBIHIS NA AGAD AGAD AT HIGIT SA LAHAT AY MAGHANDA."

Kumunot ang noo niya.

"Paghahanda para naman saan? Sasabak ba ako sa giyera?" Tanong niya.

"Uhmm..." animoy nag-iisip pa ang gaga at mukha namang wala nang balak siyang sigawan. "parang ganon na nga. Aba, baka nakakalimutan mo na yung kumakalat na issue dahil sa nangyari doon sa court no? Baka natatandaan mo pa o nakalimutan mo na dahil sa halik---

Napahilamos siya sa mukha..

Weekend na ang nagdaan at bakit naman wala pang nakakalimot sa masalimuot na pangyayaring iyon? Letse talaga.

"Limot na naman siguro nilang lahat iyon.." aniya ngayon ay nakatayo na matapos magligpit ng higaan.

Humagalpak sa tawa ang kaibigan sa linya..

"FYI, Jake Severn Lee Zachereous A.K.A Jake is the leader of five of five's 1. His father owned the school kung saan tayo pumapasok and because of that he's famous, as in asin FAMOUS." anito

"So?"

"Anong so? Sa tingin mo ni isa sa mga fans ni Jake na nandoon malilimutan ang mirakulong nangyari nung friday? No. Never. Ever. Forever----

Napahimas sya sa sentido

Eto na naman siya sa pagiging extra at OA.

"Umagang umaga sumasakit ulo ko, letse naman." Inis na wika nya.

"And syempre bago ang lahat ng yon, kelangan mo munang magtapat sa akin."

Napabuntong hininga siya. Umagang- umaga sira na ang araw niya.

Ano na naman kayang ka-letsehan to?

"Ano?"

"Totoo ba ha?" Tanong nito.

"Na ano?" Inis na tanong niya

"Totoo bang crush mo ang fafa ko?" Tanong nito

Gulay na buhay.

Sinapo nya ang ulo.

"Hindi ko nga alam kung sino yang tinutukoy mong fafa mo, okay? At tsaka ko nalang ikukuwento ang buong nangyari. As you said, I'll take a bath na then punta dyan---

The Mister PopularWhere stories live. Discover now