"SINONG GUMAWA NITO SAYO! OH MY GOD JELIAN, SINO?!"Patuloy sa paghagulhol ang kaibigan niyang si Hazel habang paulit ulit siyang tinatanong kung sino ang gumawa nito sa kanya.
Si Isaac naman ay umalis para kuhanin nito ang extrang shirt nito sa locker para sa kanya..
Nandito sila ngayon sa tambayan nilang tatlo kung saan sila lang ang nakakaalam, malayo din ito sa mga rooms kung kaya't kahit sumigaw sila, walang makakarinig sinuman.
Pare pareho silang hindi naka attend sa first class dahil nga sa nangyari.
"Okay lang ako.." wala sa sariling aniya
Pinanlisikan siya ng mata ng kaibigan.
"Hindi ka okay, okay? Walang okay matapos mapahiya, masabihan ng kung ano ano, mabuhusan ng tubig at..." niyakap siya nito.
Tumingin siya sa kaibigan na patuloy parin sa pag agos ang luha..
"Okay nga lang ako---
"Putanginang mga SSG yan! Ni hindi man lang gumalaw ang isa sa kanila?! How dare they? Ano yon, hindi nila alam na nagkakagulo na kanina?! Putangina nila!"
Napapikit suya sa daming murang nasambit ng kaibigan..
"Tama na Hazel, okay lang talaga ako." wika nya.
Bago pa man makaapila ang kaibigan ay dumating narin sa wakas si Isaac, dala ang white shirt nito.
"Heto," abot nito sa kanya "...dinalhan narin kita ng tissue in case ng kailanganin mo." Walang emosyong anito..
Tumango siya.
"Salamat.." tipid na wika niya.
Tumabi ito kay Hazel nang maiabot na lahat nito sa kanya..
"Since hindi pa naman tapos ang first class, pwede pa tayong bumili sa canteen..wala parin namang mga estudyante roon kaya pwede din kayo sumama kung gusto nyo.." wika ni Isaac.
Tumango silang dalawa..
"Palit muna ako, pagkatapos pumunta na tayo don.." aniya sa dalawa, tumango lang naman si Isaac sa kanya habang si Hazel naman ay nakatingin na sa malayo na ikinabuntong hininga nalang niya.
Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaibigan.
SOMEONE'S P.O.V
"How is it?"
"Maayos po, Senyora.." nakangiting wika ng isa sa mga babaeng pinagkakatiwalaan niya..
Naririto lahat sa harapan niya ang mga binayaran niya para sa eksenang kakatapos lang kanina.
Napangiti siya..
"Good job.." ibinaba niya ang tumbler na hawak pagkatapos ay kinuha sa bag ang magiging bonus ng mga ito.
Agad namang nagkislapan ang mga mata ng mga ito..
"Here's the bonus.." inilapag niya ang pitong sobre sa lamesa.
Agad naman iyong kinuha ng mga ito.
Napaarko pataas ang kilay niya nang may maiwang isa..
Matik na napagawi ang tingin niya sa babaeng tulala na naman.