"OMG!!! Girl!!"
Bwisit!
Inis na binalingan niya ang bruhildang kaibigan.
Kanina pa siya naririndi rito dahil kanina pa ito sigaw ng sigaw at tili ng tili sa kaliwa nya.
"Basag na eardrum ko sayo Hazel, ano ba!" Inis na wika nya dito.
"What? Apaka KJ mo vebs," inirapan sya nito pagkatapos ay parang sinisilihang ngumiti sa kanya "...this is it ghorl!! Makikita ko narin sa wakas si Mr. The One and only fafa!!" Panay ang hampas nito sa balikat nyang mukhang sanga na nga ng malunggay..
Pano ko nga ba naging bestfriend to? Kainis!
"Alam mo ha, Zel. Wala kang mapapala sa mga gwapo kundi yang mga mukha lang nila. Asa ka namang hindi babaero yang mga yan no" aniya sa kaibigan..
Hindi naman ito nakinig sa sinabi niya kaya kinuha na lamang niya ang kwek kwek na binili kanina na nakabalot sa plastic, kabibili lang sa labas.
"Hoy, Jelian Romano! Bawal yan dito diba?" Napatalon siya sa gulat nang bigla nalang sumulpot ang hinayupak na Isaac.
"Jusmernoezep ka Isaac!" Sigaw niya sa gulat, akmang babatukan niya ito pero agad naman itong nakaiwas sa kanya..
"Eto naman, parang aatakihin agad sa puso," tumabi ito sa kanya nang may lokong ngisi habang umaaktong pinoprotektahan ang sarili.
"Harangan kita para hindi ka mahuli ng SSG." anito, umirap siya "sige kain kana ng kwek kwek tapos subuan mo narin ako.." ngiting aso ng hinayupak habang taas baba ang kilay pagkatapos ay tumayo sa harapan nya..
Wala tuloy syang makita sa kalapadan ng likod nito.
"Excuse me lang ha? Ako. Ang. Bumili. Netong. Kwek. Kwek." Pinanlakihan nya ito ng mata..
"So what? Ang kaso dito, kung kakain ka ng walang tumatago sayo mahuhuli ka ng SSG at pwedeng makuha nila yang bag mo." pangba black mail nito sa kanya sabay turo sa bag niya.
Umingos sya..
Fine!
Tumingin siya sa mahigit sampong piraso niyang kwek kwek.
"Gosh, ang kwek kwek ko-----
"OMG! OMG!! OMG!!!" Napatakip siya bigla ng tenga sa lakas ng tili ni Hazel pati narin ng mga estudyante na nasa likuran nilang nagtatatalon talon.
Umaakto pa itong pinapaypayan ang sarili na animo'y mahihimatay na..
Ang OA naman ng babaeng to.
"Ano bang meron?!" bulyaw na naman niya sa kaibigan.
Gusto na niya itong sabunutan sa sobrang pagka-OA.
"Tsh, andyan na siguro yung mga kinababaliwan ng mga chicksybabes dito sa campus Jel.." wika ni Isaac sa kanan nya na inuupakan na pala ang kwek kwek nya!
This jerk!
"Sus, anong baliw baliw? Bakit? Mga artista ba?" Napairap siya pagkatapos ay lumingon sa banda ng kaibigan at tiningnan ang nakaumang na kwek kwek sa kanya na agad naman niyang sinubo.
Nagpapabait pa ang hayop na to eh parang dalawang pirasong kwek kwek palang nakakain niya na ngayon ay paubos na!
"We'll see.." ani ni Isaac sa kanya...
Binatukan niya ang kumag na kaibigan at inagaw ang kanyang pagkain.
Umirap ito sa kanya.
Abala pa siya sa paglamon ng kwek kwek nang mapagawi ang tingin sa gilid niya at makitang wala na ang mga estudyante roon kanina lang. Halos lahat na pala ay nawala at nag uunahan na pala papunta sa gate ng school pati na rin ang bestfriend niya!