Chapter 1: New Boss

5 0 0
                                    


Claire's Pov

Pagkatapos akong sermonan ng bagong boss ko na si Lucas Montengro ang panganay na anak ni boss Lhance Montengro ay agad na ako nitong binigyan ng files na dapat kong erevise at esend sa kanya before 10am.

Tinanong rin nito ang mga appointments niya, as of now wala pang appointments.

Dumako ang paningin ko sa cellphone ko ng tumunog ito at lumawak ang ngiti nang makita kong sino ang caller. "Hi baby, did you eat your breakfast na?"

Narinig kong suminghot ito mukhang kakagaling lang umiyak, hays naguguilty tuloy ako na umalis ng di nagpapaalam sa kanya. Pero ang himbing ng tulog niya kanina at late na ako, I just kissed his forehead and left.

"M-mommy" nagsisimula na itong humikbi "Baby don't cry, I'm sorry I left while you where sleeping pa. Mommy needs to go to work baby" pag-eexplain ko rito na siyang pinagsisihan ko dahil mas lalo na lamang itong umiyak

"I-I know M-mommy huhu, uwi ka na I miss you I-I can't play with mamila k-kasi she's busy po" nagpakawala ako ng isang malalim na hininga ito ang kinakabahala ko kay Luther kapag umaalis ako ng bahay.

Gusto nito na laging nakadikit sa'kin, ayaw mawalay mabuti nga at na uto siya ni Mama kagabi at magkatabi silang natulog. Umiiyak at naghahanap ng paraan makauwi ako ng bahay whenever I'm not in the house.

"Baby, you know naman na Mommy needs to work to support us diba? Tsaka I'll go home naman mamaya before 6, I'll buy you your favorite ice cream you want that?" Pag aalo ko rito narinig ko namang tumigil na 'to sa pag iyak.

Oo nga't umiiyak ito kapag umaalis ako ng bahay, mabilis naman itong napapatahan kapag usapang favorite ice cream niya. Mahina akong natawa ng marinig na tumatalon ito and saying yehey

"You promise that Mommy ha, I will get mad at you if you won't buy my favorite ice cream" talagang bibilhin ko maattitude pa naman ito kapag nagagalit

"I promise baby, eend ko muna itong tawag Mommy needs to work na. 'Wag pasaway kay mamila ok? I love you baby"

"I love you too Mommy, I won't be pasaway bye bye" lalong lumawak ang ngiti ko lalo na kung gaano ka-cute ang boses ng anak ko. I would always melt when it comes to my son.

"I didn't pay you just you could smile and talk to your boyfriend for minutes, Ms. Montereal" agad nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang boses ni Lucas.

Nasa harap ito ng desk ko habang kunot ang noo "Excuse me boss ah, papa mo nagpapasweldo sa'kin di ikaw" may halong inis na pagsagot ko rito at hindi ko naman boyfriend yun anak ko yun.

"Excuse you too Ms. Montereal, 'cause starting today I'll be the one to give you your salary" at nagwalk out na ito, haro jusq mas magaling pa siya magwalk out kaysa sa aming mga babae. Naiinis na binaling ko ang tingin ko sa laptop at pinagpatuloy ko 'yong pinarevise niya.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago inangat ang mga braso ko at nagstretching ng kunti, madami dami rin 'yong nirevise ko. Tumingin ako sa wristwatch ko and 9:30 am na, naisend ko narin ang pinagawa niya sa'kin.

Tumayo na ako at pumasok sa office niya di na ako kumatok total alam naman niyang ako ang papasok "I'm sorry for the disturbance Mr. Lucas, but I'd like to ask what snack do you want to eat?"

Hindi ako nito binalingan ng tingin bagkos ay ipinagpatuloy niya ang pagtingin sa mga papeles, wow ah bingi bingian ka na ngayon boss. Lumapit ako rito at kinatok ng dalawang beses ang table niya na siyang ikatingin niya sa'kin.

"Ano ho ang gusto niyong snack sir, it's already 9:30am at usually nagssnack si boss Lhance at exactly 9:40am"

"I'm not my father I don't eat snacks at this hour" at bumaling na ulit siya sa mga papeles na hawak niya. Nahihiya akong umalis sa opisina niya at agad ng bumaba sa 2nd floor andun kasi ang cafeteria.

Ikakain ko lang 'yong kahihiyaan na natamo ko, jusq oo nga hindi siya si boss Lhance mas mabait at approachable pa tatay niya kaysa sa kanya hmp!

Habang naglalakad papasok ng cafeteria ay may nakita akong mga babaeng employado na nagkukumpulan sa gilid, at dahil may pagladakilang chismosa ako lumapit ako sa kanila at nakinig sa pinagsasabi nila.

"Omg girl! Nakita mo ba ang bago nating boss?" Girl 1

"Hindi, late ako kanina sa introduction niya pero ang gwapo niya kyaaaahh" Girl 2

"Oo nga nakakalaglag ng panty akala ko nga nalaglag panty ko kanina" Girl 3

"Aaraw na talaga akong magpapaganda at syempre magpapansin kay boss baka sakaling you know, maging nanay ng anak niya kyaaahh" Girl 4

Hindi ko na napigilan at sumabat sa usapan nila "Pasalamat ka nga at nalate ka ng di sinesermonan" pagtuturo ko kay Girl 2 "Oo nga't gwapo ang boss natin pangit naman ng ugali myghad mare di niyo kakayanin, sungit sungit nga eh pinaglihi siguro 'yon sa kasungitan. At isa pa walang nakakalaglag panty dun baka laglag ng luha kasi papaiyakin ka lang"

Tiningnan ko silang apat at ang eepic ng mukha nila para silang nakakita ng multo habang nakatitig sa'kin hahaha, wait sa'kin ba nakatitig 'tong mga babae na'to parang sa likoran ko.

Humarap ako sa likoran ko ng mapansing paturo turo si Girl 3 sa likod ko, may multo ba sa likod ko? Namilog ang mga mata ko ng makakita ng multo, Oo multo kasi mukhang multo naman si Lucas.

Kaya pala paturo turo sila si Lucas pala ang nasa likoran ko at napakasama ng timpla ng mukha nito "Ah boss hehe, akala ko hindi ka magssnack"

"Ms. Montereal, you're FIRED!" Napaatras ako sa lakas ng sigaw nito sa'kin, agad akong lumuhod sa harapan niya at nagmamakaawa sa kanya. Napapikit ako ng makaramdam ng isang matunog at masakit na pitik sa noo ko, minulat ko ang mata ko at nakita kong nagtatakang nakatingin sa'kin si Lucas.

"Why are you standing here, Ms. Montereal?" Napatanga ako shota naman oh imagination lang pala 'yon salamat naman at di ako natanggalan ng trabaho. Andito parin ako sa office niya nakatayo malapit sa table tiningnan ko ang wall clock niya at nakitang 10am na.

"Ah ano boss, may meeting ka ngayon diba? Ikaw nalang inintay sa conference room" pagpapalusot ko sa katangahan ko pero totoo na may meeting siya lalo na't mga early bird yung board.

"Ok, let's go" at nauna na itong naglakad sumunod naman ako sa kaniya at ng dahil sa nakakalola kung imagination gutom na tuloy ako, ayan imagine pa Claire! inis na salita ko sa sarili.

-----
Kyaaaahhh may chapter 1 na tinamad ako sa past few weeks, buti at naibalik ang sigla ko sa pagsulat nito hshshs. Sana nagustuhan niyo ang ud na'to

Word count: 1152






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Man in my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon