Online Class

5 0 0
                                    

Pamagat pa lamang pamilyar na sa karamihan

Mga kabataang patuloy na nag-aaral sa kani-kanilang tahanan

Hindi biro ang hirap, pagod, at puyat 

Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy na hinaharap ang lahat


Module dito, module doon

11:59 ang gumigising sa diwa mo noon

Sa mga panahong kahit ata kape

Ay hindi na kinakaya ang mga gabi


Online class lang naman daw, 

Madali lang sabi ng iba

Hindi daw babagsak basta't 

Nagsusumikap ka


Ngunit nakita ba nila?

Mga estudyanteng nahihirapan sa tuwina

Walang maayos na internet at gadyet

Sapagkat sa pangaraw araw pa lang ay kulang na ang badget


Naramdaman din ba nila?

Ang stress, anxiety, at pagod

Ng mga kabataang kailangang bumangon

At patuloy na kumapit sa "padayon"


Hindi madali at hindi kailan man magiging

Alam ko, sapagkat estudyante rin ako

Ngunit heto at sinusulat ko ito 

Para sa'yo at sa mga tulad ko 


Kung may natutunan man ako sa online class na ito

Yun ay kung paano maging matatag,

Kung paano mas pahalagahan ang sarili, pamilya, kaibigan

At kung paano piliing magpatuloy sa kabila ng lahat


Kaya ikaw, oo ikaw! 

Magpatuloy ka 

Kasi hindi mo malalaman ang bukas

Kung pipiliin mong tumakas


QuaranthingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon