Pamilya

3 0 0
                                    

Sila yung lagi mong kasama

Lalo na ngayong pandemya

Madalas naiisip mong nakaaumay

Pero pansin mo ba, sila rin ang madalas mong karamay


Sa mga panahong nahihirapan ka

Sa eskwela, o kahit sa simpleng gawain

Panigurado tutulong agad sila

Kahit madalas hindi mo napapansin


Si nanay, mas naging busy na

Sa gawaing bahay, 

Sa pagluluto ng masarap na ulam,

Sa pag tatanong kung kumusta ka


Si tatay, mas nag sumikap pa

Sa pag hahanap-buhay

Upang mag patuloy ka, 

Upang may makain ang pamilya


Sila ate't kuya na laging nandyan

Para gabayan ka,

Para tulungan ka 

Sa lahat ng oras at pagkakataon


Si bunso,

Nananatiling galak ng tahanan

Patuloy na nagpapasaya

Kahit na minsan pati siya ay may dinadala


Sa tahanan, lahat may ambag

Lahat  may kwento, 

Lahat may dinarama

Ngunit, nananatiling sama-sama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QuaranthingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon