Chapter 5

140 7 1
                                    

Today is Friday at ngayon minove yung pasahan ng Research. Absent kasi mula monday hanggang kahapon teacher namin.

"Pass your Projects infront." sabi ni Ma'am at tumayo ang lahat pwera sa 4 na transferees namin. Well 2 lang silang nakaupo dun kasi wala pa yung isa. Sila Loian at Alistair.

"Okay. So it seems like this is all complete." sabi ni Ma'am. Nagtaas naman ng kamay yung isa namin kaklase.

"Ma'am di po ba gagawa ng project sila Transferee?" sabi nung kaklase namin.

"No they won't they're exempted to the projects." sabi ni Ma'am. Unfair -_-. Sa bagay sila Lucifer naman may ari nitong school. Remember sila Luferielle may ari nito at kapatid niya si Lucifer.

Hay salamat naipasa na rin yung Research namin na yun. Nakaka sakit sa ulong gumawa ng essay na halos paulit ulit noh.

"Blah blah blah.." nag discuss na si Ma'am. Nakakaasar parang may nakatingin na naman sa akin kaya lumabas ako sa room namin. Lutang na naman akong naglalakad. Masanay na kayo hanggang sa..

*blag*

"Ay PUT----o." sabi ko.

"Okay ka lang miss?" tanong ng isang lalaki. Nadapa lang naman ako sa batuhan dahil napatid ako sa isang paa?

"Oo- Uy Alistair." sabi ko.

"Megumi? Ikaw pala yun." sabi niya sabay iwas ng tingin.

"Ouch. Huhuhu." sabi ko at hinihipan sugat ko.

"Tara gamutin natin." sabi niya at umupol kami dun sa bench. Binuhusan niya ito ng mineral water niya at sinabon. Seryoso bakit may sabon siya sa bag?

"Siyempre grooming kit balahura ka talagang babae ka." sabi niya habang binabanlawan ung sugat ko at binatlot yun gamit ang panyo niya. Paano niya nababasa yung iniisip  ko? Waah mind reader *Q* Cool.

"Stop drooling Im not a mind reader. Obvious lang talaga base sa expressions mo.

"Ah sige bye. At thank you." sabi ko at umalis na rin siya. Iika ika akong maglakad eh sa mahapdi yung sugat ko eh. Nagugutom ako. Maka punta ngang canteen.

"Ms isa nga pong slice ng blueberry cheese cake, baked mac, at pineapple juice thank you." sabi ko at kinuha yung order ko ng ibigay ito sa akin.

"Dito ka na lang umupo." sabi na naman ng isang lalaki.

"Hi Archae." sabi ko.

"Hello. Upo ka dito pareho naman tayong loner ehh." naka ngiti niyang sabi.

"Ahh sige." sabi ko na lang at nakipag kwentuhan sa kanya.

"So how are you now?" tanong niya.

"Okay naman so far." sabi ko.

"Ahh so kamusta na mga kapatid mo?" tanong niya sa akin.

"Huh? Paano mo--" sabi ko.

"Kinwento ni Lucifer." sabi naman niya bago ko pa matapos yung tanong ko.

"Ahh. Okay naman sila makukulit pa rin." sabi ko.

"Hahaha. Napano yan? Nakita kitang iika ikang maglakad." sabi niya sa akin.

"Ahh napatid ako kanina sa paa ni Alistair." kwento ko.

"Ah natutulog na naman siguro." sabi niya.

"Hahaha exactly." sabi ko at natawa kami pareho. Nang matapos ko na ang pagkain ko ay nagpaalam na rin ako.

"Archae alis na ako ha? Baka malate pa ako sa class ni miss Lozano. Ikaw di ka sasabay?" tanong ko.

"Hindi na ako aattend ng klase niya." sabi niya.

"Ahh sige bye." sabi ko at tumakbo na na papuntang room namin.

"Miss Arcalia! You're late agai--" naputol ang sasabihin niya ng biglang pumasok si Loian.

"And you too Mr. Gonzaga. I'll give you suspension already. I dont tolerate those kind of students. Please go to the library for your whole day suspension." mala Monster na sabi ni Ma'am Lozano.

"Sige po." sabi ko at pumunta na ng library.

***

"What brought you here young people?" tanong ni Ms Librarian.

"Suspension." sabi ko.

"Yan na nga ba eh. Next time kasi sa uwian na kayo magde date hindi sa school hours." sabi ni Ms Lirarian.

"Di po kam--" naputol bigla ang sasabihin ko.

"Paki ayos na lang by number yung circulation section." sabi ni Ms. Librarian. WHATTHE!!! ANDAMI!! siguro more than 20,000 books ang aayusin namin. Jusko.

***

3:10 pm

"SA WAKAS!" sigaw ni Loian at nag unat unat. Naayos na po namin yung pinagagawa nung librarian. Actually kaninang 2:30 pa umalis yung Librarian kasi may lakad pa daw siya hanggang 3:00 lang daw ang library tuwing frid-- 3:00?! 3:10 NA!!

"LOIAN! BAKA NAPAGSARADUHAN NA TAYO!" sigaw ko.

"SHT! 3:15 NA PALA!" sigaw rin niya. At nagmamadali kaming lumabas kaso locked na yung pinto.

"DOUBLE SHT! 5:00 PA ANG CHECK NILA LUCIFER KUNG MAY NATIRA PANG TAO!" sabi niya. Si Lucifer kasi ay kasali sa SCO Student Counsil Officers. President siya at sila ang nag che check sa mga building.

"WAAAH!" sabi ko kaso ang ikinatatakot ko ay baka umatake yung sakit ko. Pareho naming di dala phone namin.

AFTER AN HOUR...

Unti unting naninikip ang dibdib ko. Kaya ginamit ko na yung inhaler kong naka kwintas lagi sa loob ng uniform ko.

"Claustrophobic ako Loian." sabi ko. Oo may Claustrophobia ako yung  takot sa isang closed room na masikip. Malaki tong library pero masikip. Nakakapunta ako dito pero sandali lang. Kumuha siya ng folder sa mesa at pinaypayan ako.

30 more minutes...

"Loian nahihilo na ako." sabi ko at pumikit.

"Matulog ka muna." sabi niya sa akin.

Loian's Point of View.

Tumataas na yung temperature ni Megumi. 15 more minutes before 5:00 pm.

"Hold On Megumi." sabi ko. at hinawakan yung kamay niya at inihiga siya sa balikat ko inakbayan ko siya. Nagsimula siyang manginig. 5 minutes nalang.

*Click* 

at bumukas na yung pintuan.

"Lucifer!" sigaw ko.

Megumi's Point of View

"Lucifer!" sigaw ng katabi ko na nakapagpagising sa akin. Nanghihina pa rin ako.

"Inaatake si--" 

"I'm okay." sabi ko.

"Tara na Megumi iuuwi na kita. Lagot ako nito sa mommy mo." sabi ni Lucifer.

"T-tara." nasa kanya na pala yung mga gamit ko. Sumakay na kami ng kotse niya.

"Sure kang okay ka na?" tanong niya.

"Yep." sabi ko.

"Dalhin kaya kitang ospital?" sabi niya sa akin.

"Wag na. Okay na ako." sabi ko.

"Sige. Nga pala susunduin kita bukas sa inyo mga 9:00 AM. Punta natayong tagaytay." sabi niya. Nga pala.

"Sige." sabi ko na lang at bumaba na ako ng kotse.

"Oh hijo." sabi ni mommy.

"Hinatid ko na po. Inatake po ng Claustro sa Library ehh." sabi niya at umalis.

"Salamat hijo ingat." sabi ni mommy at pumasok na kami ng kwarto

E/N:

Thanks sa supporters

Courting Miss InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon