Chapter 2

254 9 2
                                    

Hay nako... Ang ingay nitong babaeng nasa tabi ko.

"Uy girl! Nakikinig ka ba?" tanong ni Yel.

"Ahh oo bakit?" tanong ko.  Ganito kasi talaga ako. Di pa nga ako sanay sa presensya nitong si Yel dahil wala pang 24 hours ago ay isa pa ang loner. Eto kami ngayon naglalakad papuntang locker room. Tuesday ngayon and guess what?

Para akong nag-resurrect dahil di ako sanay sa ganitong eksena.

"Oy di ba yan yung school's Miss Invisible. Kasi walang pumapansin sa kanya?" Girl 1

"Oo nga noh? Siya nga yun. Pero... Akala ko ba loner yan?" Girl 2

"Eh bakit kasama niya si Yel? Di ba si Yel yung may-ari nitong school?" Girl 3

"Yup si-" Napahinto na lang si Girl 1 sa mga sasabihin niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanila. Para naman silang bulang mabilis na nagsi-alis. Eto namang si Yel daldal ng daldal. ehh di ko naman siya pinakikinggan.

"HEY YUMI! NAKIKINIG KA BA?" tanong ni Yel na nagpabalik sa diwa ko.

"Ahh oo." sabi ko dahil alam kong magwawala na naman to pag nalaman niyang sa dinami rami ng sinabi niya ehh di ako nakikinig.

>Flashback<

Iniisip ko pa rin yung kanina sa locker room. Yung tungkol sa letter. Toto--

"Nakikinig ka ba Yumi?" tanong ni Yel. Yup Yumie ang tawag niya sa akin.

"Ahh sorry. Ano nga ulit yung sinabi mo? Pasensya na. Ganito talaga ako. Madalas mag Black-out." explain ko.

"HUWAAT!? SA DINAMI-RAMI NG SINABI KO DI KA PALA NAKIKINIG!? TT^TT" hahaha ang cute niya tingnan. Sa wakas. May baliw na rin akong bestfriend na makakasama.

>End of Flashback<

 "As I was saying. Plano kong magpatayo ng mall dito sa school. Para di boring. And I want to Have a business partnership. Dahil gusto kong ikaw ang magmay-ari ng mall dito sa school!" sabi  niya.

"Ahh okay. So when's your plan na magtayo ng mall dito?" tanong ko.

"As soon as 2 months." sabi niya.

"So sige magpapadesign na lang ako kila mommy."  sabi ko.

"Well magpapatulong ako kila daddy na mag-hanap ng iba pang establishments na gustong magkaroon ng franchise dito." sabi niya. Sakto namang naka dating na kami ng locker room.

Pagbukas ko naman ng locker ko ay may letter na naman.

Kulay dark night blue na papel at may white cream fonts.

"Ay Bongga girl!" sabi niya.

"Huh? Anong bongga dun?" sabi ko

"Bili buksan mo na." sabi niya.

'Dear Megumi,

        Don't ask who am I anymore. Cause I'll stay to beyour stalker. Or Should I say n Admirer. Dahil gwapo naman ak-'

di ko pa tapos basahin eh nagwala tong si Hazel.

"KYAA~ Girl Bongga huh? Gwapo daw?"sabi niya na halatang kinikilig.

'Dahil Gwapo naman ako. At sana magkita na tayo. I promise you a good life if you'll be mine. I loved you. I'm loving you. And I will love you forever...

-Soonly be yours, Secret Admirer (LJ)'

Wait.. sa way ng pagna narrate niya. Alam kong di siya yung kahapon. Oh sadyang bipolar lang talaga yung nagsusulat nito para sa akin kaya paiba-iba ng mood. Yung kahapon Serious. Ngayon naman Medyo Comedy.

"Grabe ang bongga mo girl. Kahapon pa yan ha?" kantyaw ni Hazel. Pero wait... Kahapon!? Alam niya yung kahapon.

"Eh kasi naman girl. Binasa mo kayang pagkalakas lakas yung sulat. Panong di ko malalaman?" sabi niya.

"Ahh ganun ba?" sabi ko naman.

"Tara na nga. Lagot na naman tayo kay Ms Morinne pag na-late tayo." sabi niya. Si Ma'am Morinne na pala yung next teacher namin. Teror yun!

Pagdatingnamin sa room.... OH NOES... nanduin na si Ma'am Morinne. Kahit pedeng magditch kami ng class. Eh mapapagalitan pa rin kami ni Ma'am. Dahil mukhang mainit ang ulo.

"MS. ARCALIA AND MS. ALEJANDRINO WHY ARE YOU LATE? I KNOW THAT YOU ALL KNOW THE PILICY IN MY CLASS. THAT NO ONE'S ALLOWED TO BE LATE!! UNDERSTOOD?!" sigaw niya.

"Buti na lang matibay ang pagkakagawa dito sa mga buildings..." bulong ni Yel sa akin habang naglalakad papunta sa upuan namin.

"Huh?" yan na lamang ang naisagot ko sa sinabi ni Yel.

"Kundi. Matagal ng nagiba tong building sa lakas ng bunganga nito si Ma'am" ay sama. Maka bunganga.

"Grabe ka naman. Ang sama mo sa teachers." sabi ko. Napatawa na lang siya ng mahina.

"Siyempre..." sabi niya na dinugtungan ng..."Katulad ng sinasabi ng teachers pag-first day of classes. 'Mabait ako sa mga mababait na tao' Well Ma'am's not that good anyway. So di rin ako mabait sa kanya." sabi niya. Lakas ng katok sa ulo nito.

KINABUKASAN...

"Huy may natanggap ka na naman bang sumulat sa secret admirer mo? Or should I say MGA secret admirer mo?" mapang-asar na tanong ni Yel. Well eto ako ngayon nasa harap ng locker ko. At nagdadasal na sana wala ng letter sa locker niya ngayon.

"Di ko pa nga sinisilip locker ko eh. Pede ikaw na lang?" tanong ko.

"Okay." tapos binuksan niya yung locker ko gamit yung ID ko.

"Well. Well. Well. Meron ulit girl. Grabe ha? Makaluma tong manliligaw mo at idinadaan pa sa pagsulat ng liham, upang ipadama sa iyo ang kanyang pag-irog sa yo." makata niyang wika. Ay! Ano ba yan. Nagagaya na ako sa kalokohan nitong babaitang to.

"Pshh. Akin na nga." sabi ko sabay kuha sa kanya nung letter. This time naman kulay violet yung papel at may gold na fonts.

'Dear Megumi,

        Hello. Kamusta ka naman?  Malapit mo na akong makita. Konting intay na lang. Pero gusto kong sabihin sayo na Mahal kita. Kahit na tinitingnan kita. Kahit sa malayo lang. Sana ma-appreciate mo yung pagmamahal na ibinigay ko sayo. At sana hayaan mo lang ako na mahalin ka. Kahit may mahal ka nang iba. Hihintayin ko lang yung babaeng destiniy ko.

-Love AG'

Ayan na dahil sinabi niyang malapit na kaming magkita. Hihintayinko siya. Dahil gusto ko nang ipakain tong mga letter na to sa kanya. Ano ba trip nun sa buhay at nagbibigay siya sa akin ng ganto?

O baka wrong send. Sa dinami-rami ng Megumi sa Pilipinas baka akala niya ako yung Megumi na hinahanap niya. Kasi kug sa tingin niya ako yun?  Nagkakamali siya.

Ayan balisa na naman ako... Makatulog nga.

E/N:

Pasensya na kung lame huh? Ang init kasi at ayaw dumaloy ng maayos nung dugo ko. Dahil ayaw magpahiram ng electric fan yung kapatid kong mukhang pugo. Thanks sa susuporta ng mga stories ko at sa mga gusto ng kaibigan diyan. I'm here pm niyo ako sa Fb.... MICHAELA MAXINE R. SEBASTIAN... THANK YOU^^

-LOVE EMPRESS (All caps para intense)

Courting Miss InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon