CHAPTER SEVENTEEN

2.1K 43 1
                                    

Dyeneo PoV

Because of that freakin’ video ay hindi talaga ako literal na pinatulog!, it’s already three a.m pero kahit pagpikit ng mata ay hindi ko magawa! I really want to knock on her door pero baka tulog na sya, natatakot ako para bukas pero mas matatakot ako kung magmu-mukha syang okay bukas kahit na ang totoo ay hindi!

Nang makita ko ang video ay agad kong tinawagan si Ate Rebecca at sabi nya ay ginagawa na daw ang lahat para mabura iyon, they also track the location ng nagpost at sabi nya ay nakita na din at pupuntahan na daw

Because of that fcking video sunod sunod na ang nangyari sa social media ko! Ang daming nagtatanong kung anong score namin ni Laureen, at kung totoo ba daw talaga ang proposal ko few months ago o palabas lang ito, they also pity Jan about what happened! Sunod sunod ang pambabatikos na nangyari at hindi na ako nagulat na ako ang napuro dahil may fiancee ako at ganun pa daw iyon

Mas mabuti na iyon, kesa si Jan ang masira dahil sa kagaguhan ko

Masakit ang ulo ng bumangon ako, wala talaga akong naging tulog! Alas-sais na ng umaga bago ako lumabas ng kwarto at unang tinahak ng pinto ko ay ang kwarto ni Jan pero parang tumigil ang pagtibok ng puso ng makita ang malinis na kwarto nya! Andito pa naman ang gamit nya pero ang presensya nya ay wala!

Mabilis akong nagpunta sa kusina sa pagbabaka sakaling andun sya pero agad na gumuho ang pag-asang iyon ng wala ito!, nanlulumo akong napa upo sa bangko at dun ko naramdaman ang tahimik ng paligid! Noon alas-sais pa lang naririnig ko na ang mga kalansing ng Kaldero dito sa kusina kahit nasa kwarto ako kaya kahit sobrang antok ko pa ay nawawala iyon lalo na’t naiisip kong si Jan ang nasa loob ng kusina! Pero ngayon ay wala!

Kinuha ko agad ng cellphone ko saka tinawagan ito, napa-ayos ako ng upo ng maring ito pero dun pa lang ay narinig ko ang isang tunog sa loob ng kwarto nya at nang sundan ko ang tunog ay nakita ko ang cellphone nito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama nya!

Iniwan nya ang cellphone nya?!

Wala na akong nagawa kung hindi ang mapaupo sa ibabaw ng kama nya, tangina! Alam na nya! She will not leave me clueless kung hindi nya pa alam!

Napakuyom ang kamao ko sa inis pero nawala lahat ng isipin ko ng magbeep ang cellphone ko at nakita ang message ni Ate Rebecca roon

From: Ate Becca
Huwag kang aalis dyan sa condo! Maraming press ang nag-aabang sa labas! Pupuntahan kita dyan! Cancel din muna lahat ng promotion mo dahil sa pambabatikos sayo!

I brushed my hair because of frustration, wala muna akong pakialam sa promotion ko! Ang inaalala ko ngayon ay si Jan! Kung maraming reporters sa labas ay nasisiguro kong kahit sya ay dinudumog na!

Nanginginig pa ang kamay kong ni-contact ang isang taong sigurado akong matutulungan ako

Dialing Benydict…..

Wala pa akong tulog Addimour! Bakit ka ba tumawag ha?! – rinig na rinig ko ang iritasyon sa boses nito pero dahil talagang kailangan ko ng tulong ngayon ay wala na akong pakialam kung galit sya!

You saw my scandal? – mahina kong saad pero nasiguro kong narinig nya, napapikit ako ng marinig ang malutong na mura nito, he’s not actually cussing not unlike Caden and Mac, dahil kapag nagmura ito ay nasisiguro kong galit ito

Tangina mo Addimour! Anong kagaguhan ang sinasabi mong gago ka?! – mariin ngunit mataas ang boses nito ng sinabi iyon, napapikit ako dahil natatakot na ako sa kanya! It’s really weird na hindi ako takot sa magulang ko pero dito sa bwisit na ito ay natatakot ako!

What to DO? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon