CHAPTER THIRTY ONE

2.9K 46 2
                                    

Inom ka ng tubig paggising mo Alexandre.                  
_Alliya Janelle Cuazai

Maligo ka na din para mas maaga ka sa trabaho mo ngayon
_Alliya Janelle Cuazai

Naayos ko na mga gamit mo, wag ka ng mag-alala
_Alliya Janelle Cuazai

Naka-ready na ang breakfast mo, kumain ka na. Huwag mo na akong hintayin

_ Alliya Janelle Cuazai

Nalabhan ko na mga damit mo, okay na yun.. Huwag mo na din akong hintayin
_Alliya Janelle Cuazai

Huwag mong kakalimutan yung mga nakalagay sa notebook, kahit ang pagkain, malilintikan ka sakin. Huwag mo na akong hintayin
_Alliya Janelle Cuazai

Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang kay Ate Rebecca. Huwag mo na akong hintayin
_Alliya Janelle Cuazai

Alliya PoV

Nanghihina akong napaupo habang hawak ang isang brown envelope

Dalawang taon

“Sa tingin mo, dahil lang na mahalaga ka sa kanya eh hindi nya ititigil ang lahat ng plano nya? He’ll be out for two years with his dream girl Alliya, don’t expect him that he’ll stop all his dream for you. Alam ko din ang tunay na relasyon nyo, at walang wala ka” may panghuhusga sa boses ni Ate Rebecca na ngayon ay nasa harap ko, bigla na lang syang dumating at ipinakita ito

“Hindi titigil ang mundo nya sa’yo Alliya, ginamit ka lang nya for fun, he’s too young to get tie kaya wag kang umasa na magpapakasal talaga sya sa’yo.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil totoo naman, alam ko naman iyon simula una pa lang, hindi nya kailangang ipamukha sakin

“It’s your choice Alliya, you’ll leave him or he’ll leave you… bukas ang alis nya” at umalis na sya sa condo, nakatingin ako sa kawalan habang iniisip lahat ng sinabi ni Ate Rebecca, wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at bumuntong hininga

Ms Tess dialing….

My god Ali! Kanina pa ako nag-aalala sa’yo! Bakit ngayon ka lang tumawag? – may pag-aalala nga sa boses nito, hindi ko maiwasang maluha dahil sa katangahang sinapit ko

M-Ms Tess,… uhmmm.. mag re-resign na po ako – napapikit ako sa sinabi ko

Ano?! Hey Ali?! Are you okay? Bakit ka magre-resign? May nangyari ba? Where are you? – sunod sunod ang tanong nito pero ni isa ay wala akong gustong sagutin. Bumuntong hininga ako saka muling nagsalita

Ipapadala ko na lang po sa inyo ang resignation letter ko, sorry po kung biglaan Ms Tess, salamat po sa lahat. Sa muling pagkikita po natin

Hindi ko na sya hinintay na magsalita pa dahil nararamdaman kong naiiyak na ako at ayaw kong maramdaman yun. Malakas ako at hindi ako iiyak, siguro ganito ang nararamdaman ng buntis.

BUMUNTONG HININGA ako habang nakaupo dito sa clinic, katabi ko ang dalawang maleta sa tabi ko, ni-plano ko munang dumaan sa hospital para mapa check-up ang anak ko, kung anong mga kailangan kong gawin ngayong may buhay na sa tiyan ko

Anak ko, wag kang mag-alala… aalagaan kita ng higit pa sa kayang ibigay ng iba

Next na po Ms. Alliya” napatayo ako sa pagtawag, ng makapasok sa loob ay napangiti ang doktora ng makita ako

What to DO? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon