Tuwing Hunyo sila ay nandoon kahit tag-init,
Punong-puno ang laman ng silid ay mga paslit,
Hindi magkamayaw mga boses na maliliit,
Sa saya at galak ang nangingibabaw ng higit,Ngunit ng pumasok na ang isang reyna ng silid,
At parang isang hangin ang dumaan sa paligid,
Biglang tahimik dahil sa presensya niyang hatid,
Ito'y panibagong aralin ang ipababatid,Bawat araw maraming kaalaman ang nadaragdag,
Walang muwang na paslit ay lalaking mangmang,
Sa tahanan niya ang magmumula ng sagisag,
Para makamit ang pangarap at magkaroon ng ambag,At mula sa mabagsik na mga guro sa labas,
Ngunit lubos na nagmamahal itong wagas,
Sa mga paslit na nagbigay ng maraming oras,
Mag-aral sa piling niya na parang walang wakas.
YOU ARE READING
"It's All About POEMs"
RandomHi guys!!😉 this is one of my hobbies. I hope you can get some inspiration. #hugotPOEMS, #❤Love, #FRIENDS, #tagalog, #ENGLISH, #ANDmore WARNING: Plagiarism is a CRIME and a SIN!!! Ang mag angkin ng hindi niya gawa at pinaghirapan ay may karapatang...