BAKIT IKAW PA

21 0 0
                                    

Alam kong simula pa nung una,
Iba ang laman ng puso niya,
Ang babaeng para sa kaniya,
Nagbibigay ng tuwa at saya.

Bakit may mga taong paasa,
At may patuloy na umaasa,
Mapa babae man o lalaki,
Parehong taong wala ng paki.

Sa dinarami raming lalaki,
Bakit ikaw pa aking pinili,
Alam kong hindi magiging isa.
Malabong maging tayong dalawa.

Nasa taas ka at mababa ako,
Ikaw sinisigaw ng puso ko,
Kilala kang sikat ako'y hindi,
Bakit ikaw aking minimithi.

"It's All About POEMs"Where stories live. Discover now