KUMAPIT KA LANG

10 0 0
                                    

Ilan man ang dumating na unos,
Tiyak ito rin ay matatapos,
Huwag makakalimot sa Diyos,
Upang maging matatag ng lubos,

Pandemyang tila'y suntok sa buwan,
Parang karayom hirap lusutan,
at sanay bigyan ng katapusan,
Tayo'y bumalik sa kaayusan,

Huwag mawawalan ng pag-asa,
Kapit-bisig lang sa bawat isa,
Itong pagdarasal mas mabisa,
Upang matatag ang buong masa,

Panginoonnagmahal ng wagas,
Sisibol din ang magandang bukas,
Mag-iiwan sa pusong may bakas,
At pananalig ng walang wakas.

"It's All About POEMs"Where stories live. Discover now