Patrick's POV
Andito kami sa computer shop. Malamang naglalaro kami.. Sana nga manalo ako. Hehe, pero kawawa naman si pareng Arnel magpaparty pa. Yun pang ang ginusto. HAHAHA. Pero wag kayo, atleast mararanasan niya mag party diba? Ako? Never in my in tire life. Wala naman silang pake saken-- Well kung meron man. Bat hindi nila ipakita? Kahit kailan hindi nila pinakita saakin yung salitang 'Care' 'Pagmamahal' 'Support' bilang magulang. Anyway.. Teka lol (League of Legends) muna ako.---
After ng paglalaro namin, buti nga may balak pa kaming umuwi para kumain eh.Hindi pala kami umuwi ni Harvey sa totoong bahay namin. Instead dito kami dumeretso sa bahay ni Pareng Arnel.
"Nak, tawagin mo na si Cheska." Mama ni Arnel. Si tita Rieza, mabait sya. Pare saakin, tinuturi ko siyang nanay. Kasi naman kung maka bantay, parang anak ka nya rin eh. Basta ganito ang nararamdaman ko. Kung pwede lang sabihin na i-ampon niya ko eh. Joke hahaha. Dadagdag pako :3
"Ma wala naman si Cheska sa taas." Nakakunot na noo na sinabi ni Arnel. Hahaha, nababanas na yan I'm sure.
"Aba hanapin mo! Hindi bungaga ang ginagamit. Mata anak. MATA."
"Obvious naman ma. Ish!"
"O sya, kumain na kayo mga anak. Sigurado akong gutom na gutom kayo."
"Ay talaga po tita! Hihihi ang sarap niyo po talagang magluto tita ^_^" Siniko kong palihim tong katabi ko. Di na nahiya eh.
"Aba ng bola pa hahaha!" Tita Rieza
"Naks tita parang di ka na nasanay saakin hihihi ^_^" Landi talaga ng tawa nito.
"Oh Patrick? Bat di ka pa kumuha ng pagkain mo? May problema ka ba nak? May sakit ka?" Hinipo ni Tita noo ko.
"Ay wala po haha. Sige na po Kain na po tayo." Tumango na lang sya at umupo sa tabi ko.
"Hi mommy!" Bati ni Cheska sabay halik sa cheeks ng mama niya.
"Eww." Arnel.
"Hmp!" Cheska. "Mommy I'm hungry na."
"O, go wash your hand first Cheska."
"Okay mom." Pagakatapos maghugas ng kamay si Cheska bumalik na agad sya sa tabi ni Tita Rieza. "Oh Hi kuya's!"
"Hello." Ako at Harvey.
Nagsimula na kaming kumain. Walang imikan. Ang maririnig mo lang yung tunog ng kutsara't tinidor na tumatama sa Plato. Siguro dahil sobrang gutom lang kami.
Nakahalati ko na tong kinakain ko ng mapatingin ako kina tita at Cheska.
Sobrang caring talaga nitong si Tita. Kahit ma-edad na tong si Cheska, lagi paring pinupunasan ang bibig. Madungis kasing kumain kapatid ni Arnel eh.
"Patrick? Nak? Ayos ka lang ba?" Tignan niyo naman ang pagaalala saakin ni Tita. Nakakahanga talaga.
"Opo tita, ice lang ho ako :)"
"Sure? Kumain ka pa jan ha? Kain lang kayo."
"Talaga tita?" Sumagot ang patay gutom.
"Mahiya ka naman harvey, halos ikaw na nga tong nakalahati ang ulam at kanin eh. Hihirit ka pa" sabi ko.
"Hindi. Kumain lang kayo."
"Sigi. Sabi mo tita eh hihihi ^_^" at ayon nga. Kumuha pa ng kanin at ulam. Si tita, tumawa nalang sa ginawa ni PG.
-------------------------------------------------------------
"Tol hindi pa ba tapos si Harvey?" Arnel.. Tumingin ako sa kusina nila."Hindi pa eh, mukang nasarapan talaga sya sa luto ni tita."
"Sus! Haha masarap talaga magluto nanay ko no!" Pagmamayabang niya..
Parang pinapamuka nya saakin na may nanay syang magaling magluto. Hahaha.
"Tara pasok na tayo" Sabi ko. Nga pala, ngayong hapon lang kami papasok haha. Ayaw namin makita yung tatlong bungangera eh :3
"Alangan naman iiwan natin si Harvey?" Nga naman, bat kasi ang takaw nun eh!
Ay. Nakalimutan ko nga palang sabihin. Nanalo si Arnel sa pustahan kaya tutulungan namin sya.
=================================
Okay, dito na po muna :) May pasok na bukas eh. Kaya maagang matutulog hehe :))Next na po yung katuloy nung EVIL GIRLS. Yung sa seat plan po. :')