Kabanata 3: SECOND BRIDGE

237 9 1
                                    

Untold Horror Stories

By: jhaysongOsme

Kabanata 3: SECOND BRIDGE

---------------------------------------

Ang kwentong ito ay syang tunay kong karanasan.

Nawa'y hayaan nyong ikwento ko, kung gaano ako natakot sa lugar na kung tawagin ng ilan ay "Tulay ng Kalbaryo"

--jhaysongOsme

---------------------------------------

"May sinalvage na naman daw sa pangalawang tulay ah !!" -- kent

"Babae daw yun ! At hindi lang sinalvage ah, sinunog daw ang katawan nito!"-- john

-------------------

A/N:

Lubhang dumarami na ang kaso ng pagpatay ngayong panahong ito.

Nariyan ang mga murder, salvage, homescide, at iba pang mga bagay.

Paano kung sa paglalakad mo pag-uwi ng bahay niyo ay makasaksi ka ng karumaldumal na mga bagay ?

Tutulungan mo ba sya ??

O

Hahayaan nalang, upang di ka mapahamak ??

--------------

"May sinalvage na naman daw sa pangalawang tulay ah !!" -- kent

"Babae daw yun ! At hindi lang sinalvage ah, sinunog daw ang katawan nito!"-- john

Sa pangalawang tulay na naman ??

Sigurado ay may magpaparamdam na naman diyan.

-----------

First day of school.

Nasa 4th year high school ako ng manyari iyon.

"Okay class. Don't forget your assignment tomorrow hah !!"-- ma'am Lourdes

Alas syete ng gabi ng maglakad ako sa mahigit kumulang 3 kilometrong daan pauwi sa amin.

Hindi dahil sa nagtitipid ako, kungdi halos wala ng masakyan pauwi dahil alas sais talaga ang uwian.

Walang ilaw nung mga oras na iyon.

Tanging liwanag na nagmumula sa aking telepono ang nagsisilbing lampara ko!

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa pangalawang tulay.

Habang bumababa ako ay lalong lumalamig sa paligid.

Nang nasa mismong tulay na ako ay walang sasakyang dumadaan.

Walang mga bahay na makikita .

Sa paglalakad ko don ay parang tumitigil ang aking mundo sa bagal kong maglakad.

Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng tila batang babae na nakatitig sa akin.

May tangkad sya ng siguro'y apat na talampakan. Nakasuot ng pula't puting damit.

Nakita ko sya sa dulong bahagi ng aking mata.

Nakayuko sya at tila malungkot na malungkot!

May kasama syang aso. Isang puting aso na naka-upo sa tabi niya.

Nilingon ko ito! Subalit nawala ang bata. Ang aso naman ay tumakbo sa isang napaka taas na damong talahib.

Naka alpas ako sa pangalawang tulay at may nakasalubong na isang berdeng sasakyan.

Untold Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon