Untold Horror Stories
By:jhaysongosme
Kabanata 17: IMBALSAMADORA (Part one)
Hello jograts ^__^, pasensya na at mukhang ibang kwento ang na-i-upload ko. Wala pa kasi akong maisip na flow sa kwento kong abortion e.
Ngayon ay saksihan ang kwentong bunga ng aking pagkamangha sa mga imbalsamador na marahil ay di nakararamdam ng takot dala narin sa tawag ng kanilang trabaho.
Ang istoryang ito ay para kay Poleng Carabeo. " O ayan utot aa. Ginawan na kita. Hahaha ^__^ ".
--------------------------------------------------------------
Minsan na kong nakakita ng ini-imbalsamo noong aking kabataan. Nakadidiri't animo'y kinakatay sila.
Mula sa pagtusok ng isang aparato sa ilang bahagi ng katawan, at siyang paghigop ng dugo mula rito ay talagang nakababaliktad ng sikmura. Ang akala mo'y telang paggupit sa balat, pagkuha ng ilang napinsalang bahagi, at ang pagtatahi sa mga wakwak, nasaksak, at ilan pang bunga ng kanilang kamatayan, ay hindi pinalagpas nang aking dalawang mata.
Ngunit sa kabila noon ay di ko akalaing, ang gawaing pinandidirihan ko, ay sya palang magiging trabaho ko.
Ako si Athena. Isang babaeng batak sa patayan.
Ang ibig kong sabihin, ay sanay nang makakita ng patay sa halos araw-araw ng aking buhay.
Mula pagkabata, ay patay na tao ang tumatambad sa amin, kung kaya't kung makakita kami ng naaksidente sa daan, ay di kami apektado.
Sa halip, ay masaya kami dahil malaki ang tyansang sa amin dadalhin ang patay na iyon.
"Pera na naman ito !" Lagi naming tugon.
Dumaan ang maraming taon.
Kaalinsabay ng pagdami ng bangkay na napapakasakamay ni papa.
Nagsimula narin niya akong turuan ang gagawin, dahil sa gusto niya akong maging isang imbalsamadora.
Ayoko ng ganitong trabaho. Ayoko ng parang nagdo-double dead ng tao. Pero hindi ko naman matanggihan so papa, dahil narin sa kagustuhan nito.
Dahil 24/7 ang trabaho, ay nagkakaroon ng pagkakataong di na makakilos ng maayos si papa, dahil sa kapaguran sa kanyang trabaho
Halos araw-araw sa loob ng halos dalawang dekada ay di nagtagal at nagkaroon ng matinding sakit si papa. Habang nag-iimbalsamo sya ay inatake sya ng kanyang sakit.
Dahil sa kelangang kelangan namin ng pera, ay di pwedeng i-turn over sa ibang punerarya ang bangkay.
Pagkadating ko mula sa paaralan, ay ipinatawag nya ako .
"Anak. Magbihis ka !... Magbihis ka't may ipapagawa ako."- tinig nya na parang nagkaroon ako ng kutob.
Umakyat ako upang magbihis. Nang matapos ay dali-dali akong bumaba't dumiretso sa kinaroroonan ni papa.
Tama nga ang hula ko !
"Anak, masama ang pakiramdam ko. Tumayo ka dun at ituturo ko sayo ang proseso para matuto kang mag-imbalsamo"- papa
Di ko na nagawa pang magreklamo. Bagkus ay tinungo ko ang patay upang maumpisahan na ang pag-iimbalsamo.
Ito ang unang pagkakataon na ako mismo ang mag-iimbalsamo sa patay.
Bawat hakbang ay tinuro ni papa.
Bawat hakbang na ginagawa ko ay pinandidirihan ko.
Ibinuka ko ang bibig ng patay.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories
HorrorNatatakot ka bang mag-isa ?? Nakakakita ng mga di pangkaraniwang bagay ?? Nakararamdam ng makapanindig balahibong karanasan?? kung gayo'y basahin ang mga kwentong, makadadagdag ng kaba mo...... Buhayin ang malawak na mundo ng imahinasyon. "The...