Untold Horror Story
By: jhaysongOsme
Kabanata 12: Contactlense
Isa sa mga nagpapaganda sa itsura, ay ang pagsusuot ng contactlense.
Ito'y sa pamamagitan ng pagpili kung anong angkop na kulay ang babagay sayo.
Naryan ang pula. Asul, lila, at iba pang kulay.
Ngunit paano magkakaroon ng parte ang contactlense sa istoryang ito ??
Simple lang ....
Ating basahin, at bigyang imahinasyon ang kabanata labing dalawa.
---------------------------------------
(Jennifer's POV)
"Ang laki pala ng maynila ??"--
Yan ang unang katagang nasambit ko, nang masilayan ko ang lungsod.
Hindi ko inaasahan na mas malaki pa ito sa inaasahan ko.
Napakalayo ng itsura ng modernisasyon kumpara sa simpleng pamumuhay namin sa probinsya.
----------------
Ako si jennifer lastimosa.
Jen for short.
Isa akong ordinaryong estudyante. Nangangarap lang noon na sana'y umabot ng kolehiyo. At ito ako ngayon. Nakikipagsapalaran sa maynila, upang matupad ko ang aking sinumpaang pangako kina inang at itang.
Napakapalad ko dahil isa ako sa mga may matataas na grado na napiling bigyan ng opurtunidad na ipagpatuloy ang pag-aaral, sa mas mataas pang lebel.
Sa aming paghahanap ng murang matitirhan, ay dinala kami ng aming pagtatanung-tanong sa isang, dalawang palapag na paupahan.
Bagama't may sira, ay pinagtyagaan nalang namin ito ni cristina. Isa ring tiga probinsya.
Hati kami sa isang kwarto, upang lalong mas makatipid.
Sa unang gabi ko doon sa kwartong iyon, ay may ingay akong narinig.
Magbabandang alas otso ng gabi.
Nung una ay isa lamang itong kaluskos.
Habang lumalalim ang gabi ay palakas ito ng palakas.
"Chris. Naririnig mo ba ??"-- tanong ko sa kanya.
"Ha ?? Ang alin ??"--pagbabalik ng tanong sa akin
"Yung ingay.. Pakinggan mo oohh ... Naririnig mo ba ??"-- patuloy kong pagtatanong
"Ano ka ba jen. Wala naman ehh.
Ikaw talaga, tinatakot mo lang yang sarili mo. Halika't matulog ka na nga. Bukas mo na gawin yang ginagawa mo."-- sabi nito sa tonong inaantok na.
Pinatay ko ang ilaw at humiga na.
Nasa kaliwa ang katreng hinihigaan namin.
Nasa kaliwa ko rin si cristina.
Dahil mahilig akong tumagilid sa pagtulog, ay napaharap ako sa kanang bahagi ng kwarto.
Isang maliit na butas ang makikita, dahil narin sa ilaw na nangagaling sa kabilang silid.
Tumayo ako upang silipin kung ano ang pinagmumulan ng ingay.
Ngunit wala akong makita, kundi kulay berde lamang.
Pilit kong sinisipat kung may iba pang butas sa kwarto. Pero ang nag-iisang butas lamang na nakatapat sa katre namin ang makikita.
Tumindi ang ingay.
BINABASA MO ANG
Untold Horror Stories
TerrorNatatakot ka bang mag-isa ?? Nakakakita ng mga di pangkaraniwang bagay ?? Nakararamdam ng makapanindig balahibong karanasan?? kung gayo'y basahin ang mga kwentong, makadadagdag ng kaba mo...... Buhayin ang malawak na mundo ng imahinasyon. "The...