Chapter 17

81 7 0
                                    

parang pakiramdam niya ay kinakarma na ata siya dahil sa nangyari noon.....

sabi ni Adonis, maaari ba kitang ligawan? ngunit dahil sa kawalan ng masabi ay nagalakad lamang palayo si Kurshey mula sa lalaki...

muling nagbalik sa kasalukuyan ang isip niya, paano nga kaya kung sinagot niya si Adonis? Paano nga kaya kung naging sila? Magiging masaya ba sila? Magtatagal ba sila? Paano na ang kanyang mga pamilya kapag nalamang may karelasyon siya? Napakaraming tanong sa kanyang isip ngunit hindi niya alam kung masasagot pa ba lahat iyon dahil matagal na niyang pinalampas ang pagkakataong iyon na masagot ang mga katanungan sa isip niya. Sa totoo lang hindi naman mahirap mahalin si Adonis. He's a very good catch pero dahil sa kanyang pamilya ay naisip niya na hindi pa nga oras para pumasok siya sa isang relasyon. Parang ngayon tuloy siya nagkaroon ng regrets sa mga naging desisyon niya noon.

"Ahh basta tama lang ang ginawa ko! Back to work na nga kung anu anu na naman pumapasok sa isip ko eh" sabi ni Kurshey sa sarili pagkatapos nuon ay naging abala muli siya sa kanyang trabaho.

"Ahm Lance, can we meet up somewhere? We need to talk about something." bungad ni Kylie sa kanyang cellphone.

"Ohh why? is there something wrong Sweetie?" ito ang endearment ng binata sa kanya.

"Basta Lance please? pwede ba tayong mag-usap?"

"Okay sige sabihin mo sa akin kung nasaan ka ngayon pupuntahan kita."

"No need Lance, nandito na ako sa labas ng opisina mo dalhin mo na lang ako somewhere else para makapagusap tayo tutal lunchbreak niyo naman na ngayon."

"Kinakabahan naman ako sa mga kinikilos at sinasabi mo, may pakiramdam ako na hindi ko ito magugustuhan." malungkot na saad ni Lance.

Napabuntung-hininga si Kylie at natahimik sandali. "Sige na Lance i'll hang up hintayin na lang kita dito sa labas." sabay pindot sa end button ng kanyang cellphone.

Balak ni Kylie na i-turn down niya si Lance habang maaga pa. Mas matimbang pa din sa kanya ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya, hindi niya kayang makitang nasasaktan ang mga ito habang siya ay masaya, makakaya pa naman niyang magsakripisyo. Kung hindi talaga sila ni Lance ang para sa isa't isa ay tadhana na lamang ang makakapagsabi nito.

Palabas na si Kurshey ng kanilang opisina para kumain sa fast food dahil hindi siya nakapagdala ng kanyang baon dahil sa kanyang pagmamadali ng mamataan niya si Lance na may kausap na isang babae sa labas, hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil natatakpan ng malaking bulto ni Lance ang babae. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari. Ipinagsawalang-bahala niya iyon noong una, ngunit nang makita niyang pasakay ang dalawa sa kotse ni Lance ay nakilala niya ang babae, hindi siya maaaring magkamali, kapatid niya ang nakikita niya! ngunit hindi niya maintindihan kung paano sila naging magkakilala ni Lance, hindi kaya..... Nobyo na ni Kylie si Lance? hindi ito maaari! kaya pala iba ang ikinikilos ni Kylie nitong mga nakaraang araw. Kaya pala gulat na gulat si Kylie nang malaman niya sa Saavedra Corporation siya nagtatrabaho. Kaya pala....... dahil sa nalaman ay nanghihina napasandal siya sa dingding sa labas ng kanilang opisina, kailangan niyang sundan ang dalawa, kailangang malaman niya kung bakit naglihim sa kanya ang kanyang kapatid.

When do Broken Hearts Heal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon