Chapter 5

154 13 0
                                    

Nagulat si Kurshey sa binanggit na pangalan ng kanyang kapatid kaya naman bigla siyang natahimik. Unti-unting bumalik sa kanya ang nakaraan:

Nasa ikalawang taon na si Kurshey sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa unibersidad na kanyang pinapasukan isa iyong pampublikong unibersidad dahil kahit doon lamang siya kumuha ng exam ay naipasa niya ito ng walang kahirap hirap. Hindi naman sa pagmamayabang ay mayroon naman siyang angking talino na siyang naging puhunan laban sa kahirapan. Unang araw iyon ng klase, marami na siyang mga naging kaibigan sa kanyang unang taon doon kaya hindi na siya bago sa loob ng silid na iyon nka-block section kasi sila kaya naman lahat sila ay magkakapareho ng kursong kinukuha. Ngunit mayroon namang ibang mga kaklase nila na lumipat ng ibang section na kapareho pa ding kurso, dahil sa sila ay mga "working student" at makakasagabal sa kanilang trabaho ang oras nga kanilang klase at ganun din sa kanilang section kaya naman may mga bagong mukha din siyang nakikita sa loob ng silid na yon.

Naagaw ang atensiyon ni Kurshey ng may isang lalaki na lumapit sa kanya at nakipagkilala sa kanya. "Hi, I'm Adonis Mercado, bago lang ako dito sa section niyo ikaw pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" inilahad ng lalaki ang kanyang kamay at nagpaskil ng ngiti sa kanyang mga labi. Nagulat siya sa tinuran ng lalaki dahil siya pa lamang ang lalaking naglakas loob na makipagkilala sa kanya, guwapo din ito, mestizo, matangos ang ilong at may mapupulang mga labi na parang kay sarap halikan. Naputol ang kanyang pag-iisip ng makita niyang nagkamot sa ulo ang lalaking gustong makipagkilala sa kanya para itong napahiya sa tinuran niya kaya naman dagli siyang humingi ng paumanhin dito. "A-ahm pasensya ka na ahh n-nagulat lang kasi ako sayo kaya hindi ako kaagad na nakapagreact, ako nga pala si Kurshey Delos Santos." inilahad niya ang kanyang kamay na ikinatuwa naman ng lalaki ngunit agad din niyang tinanggal ang kanyang kamay na tila siya ay napaso dahil bigla namang dumating ang kanilang professor kaya nagsibalik na ang lahat sa kani-kanilang puwesto.Nagsimula na ang walang humpay na pagpapakilala na siyang ritwal na ata tuwing unang araw ng pasukan. Nagakaroon din ng botohan ng mga class officers.

"I nominate Kurshey Delos Santos for President" sabi ni Nancy na kanyang kaibigan.

"I second the motion" agad namang sabat ng isa pa niyang kaibigan na si Claire.

binulungan niya ang dalawa, "bakit naman ako ang binoto niyo ha? ehh kilala niyo naman ako hindi ba? hindi naman ako mahilig sumali sa mga ganyan.."

"ano ka ba Kurshey matalino ka kaya! okay lang yan tutulungan ka naman namin ehh kaya mo yan!" sagot ni Claire sabay kindat sa kanya.

malakas na napabuntong-hininga na lamang siya "hay nako kayong dalawa talaga ipinagkanulo niyo ako ehh" nasabi na lamang ni Kurshey ng wala na siyang magawa.

Sinimulan ng magbotohan para sa Vice President kaya tumayo siya sa harap pansamantala habang wala pang naboboto para sa Secretary.

"Who wants to be nominated for Vice President? please raise your hands" tanong niya sa mga kaklase.

Nagtaas naman ng kamay si Ryan, "I nominate Adonis Mercado for VicePresident"

Tumayo naman si Carlo, "I nominate Ferdinand Rivera for Vice President"

"I second the motion" sabi ni Nancy.

Nagkaroon nga ng botohan at ang nanalo, "The Vice President for this class is Adonis Mercado.."

When do Broken Hearts Heal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon