Chapter 8

125 12 4
                                    

Tama ang kanyang kaibigan na si Ryan kaya naman hanggang sa makauwi siya sa kanila ay iniisip niya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Nasalubong niya ang kanyang ina sa salas pagdating niya sa kanilang tahanan.

"O anak, nakauwi ka na pala, naghapunan ka na ba?"

"Ahm ma opo kumain na po ako kanina kina Ryan galing po kasi ako doon kaya niyaya na din po nila ako na doon na maghapunan, balak ko na po sana magpahinga sa aking silid."

"Ah sige lang anak" humalik siya sa noo ng kanyang ina pagkatapos ay pumasok na siya kanyang silid.

Kinabukasan ay maaga siyang nagbihis upang pumasok habang nagbibihis ay may nabuong desisyon sa kanyang isip, hindi siya susuko sa panliligaw kay Kurshey, ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig para dito.Napangiti siya sa naisip bibili siya ng mga bulaklak sa flower shop malapit sa kanila at dadalhin niya sa school.

Pagdating niya sa school ay agad hinanap ng kanyang mga mata si Kurshey at natagpuan naman niya kaagad ito kasama ng mga kaibigan niya, na masayang nakikipagkuwentuhan. Humugot siya ng malalim na hininga at lumapit sa grupo nila, itinago niya sa likod ang pumpon na mga pulang rosas. Nakita naman kaagad siya ni Nancy na palapit kaya binulungan nito si Kurshey kaya napatingin sa direksyon niya si Kurshey sabay iwas ng tingin.

"Ahm Kurshey alis muna kami ahh punta muna kami nga library nitong si Claire! may nakalimutan pa pala kasi kaming gawin." hindi na nakapagsalita pa si Kurshey dahil nagmamadaling umalis ang mga ito na halata namang itinutulak lang siya upang makipagusap kay Adonis.

"A-ahm Kurshey para sayo nga pala." sabay kamot sa ulo na lagi nitong ginagawa kapag nahihiya.

"Ahm Adonis salamat dito ahh, sige alis na ako ahh susundan ko muna sina Nancy at Claire sa library," magalang na paalam niya rito, medyo iniiwasan niya kasi si Adonis dahil ang awkward ng sitwasyon nila, magka-klase sila at parehas Officers sa kanilang klase kaya naman naiilang siya dahil nanliligaw ito sa kanya.

"Gusto mo ba samahan na kitang pumunta ng library? doon ko din kasi balak na pumunta para makpag-advance review sa susunod nating subject?"

"Ahh hindi okay lang ako kaya ko naman pumunta doon ehh salamat sa invitation mo."

"Eh kung yayain kitang kumain mamaya sa labas after ng ating mga klase?"

"Adonis ano ba?! hindi mo ba ako maintindihan? o gusto mo talagang sabihin ko sayo ng harapan? hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon kaya ako umiiwas ako sa kahit sinong mga lalaki dahil alam kong sagabal lang yang mga yan sa pangarap ko." napagtaasan niya ito ng boses dahil sa sobrang kakulitan. Nagulat naman ito sa tinuran niya kaya napayuko ito.

"Kurshey pasensya na kung makulit ako sa panliligaw sayo ahh akala ko kasi baka sinusubukan mo lamang ako kaya ako nagpupursiging suyuin ka mahal na mahal kasi kita, ngayon alam ko na kung bakit ayaw mo pang magka-boyfriend wala na talaga akong magagawa doon. Patawad kung nagulo ko ang isip mo hayaan mo lalayuan na kita simula ngayon." bigla na itong nagpaalam at tumalikod, wala na siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng tingin hanggang sa makalayo ito. Ang mga luka-lukang kaibigan niya, noong makalayo na si Adonis ay lumapit sila, hindi pala talaga sila umalis kaya narinig nila ang pag-uusap nilang dalawa.

"Gaga, bakit mo naman ginanon si Adonis? you're so harsh girl" sabi ni Claire.

When do Broken Hearts Heal?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon