Pagkukumpara

171 8 0
                                    

Mabuti pa si ganiyan, mabuti pa si ganito.
Linyahan ng mga taong kala mo lahat ng nakikita ay totoo.
Pilit pinagkukumpara ang magkaibang personalidad
Na para bang hindi ito ng nakakaapak dignidad.

Mabuti pa si ganito, mas maganda kay ganiyan,
Mabuti pa si ganiyan, mas mabait kay ganito.
Bakit nga ba napakahilig magkumpara ng mga tao?
Hindi ba nila alam na minsan nakakasakit na ito?

Hindi ko sinasabing masama ang pagkukumpara,
Ang akin lamang, ilugar ito at siguraduhing hindi na makakasakit pa.
Ikaw mismo nasasaktan pag kinukumpara,
Isipin mong ganun din sa iba.

Yun lamang ang nais kong sabihin,
Huwag niyo sanang mamasamain.
Handog ko ang tulang ito,
Para sa mga taong hindi makapagsalita ukol dito.

Tagalog PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon