Mula nang bitiwan ni Asher ang salitang, 'You have nothing to do', sa harapan ko ay hindi na tuloy ako mapakali kapag nasa school ako. Kahit alam ko na imposibleng makita niya ang nangyayari akin sa school dahil nga 'di naman kami parehas ng pinapasokang paaralan ay 'di pa ko rin talaga maiwasang kabahan. Na baka tutuhanin niya kaya ako na ang kusang umiiwas sa mga taong halatang may kinikimkim na galit sa akin.Bakit ba kasi pursigido sila na pagalitin ako? Ano naman ang mapapala nila kung sakaling makita nilang nagagalit ako? 'Di ba wala? Maliban sa mapahiya ako at nailabas ko kuno ang tunay kong ugali ay wala na.
Ayaw ko talagang magalit sa totoo lang. 'Tingin ko kasi kapag nagagalit o may mapagtaasan ako ng boses ay malaking kasalanan na 'yon sa akin. Kakukonsensya ako na tila masasaktan ko sila 'pag ginawa ko 'yon. Siguro, magawa ko lang ang mga 'yon kapag masagad nila ang aking mahabang pasensya. Ika nga ng kaibigan kong si Asher na, 'hindi naman masamang magalit paminsan-minsan', but still, ayaw ko pa rin.
"Hindi pa ako tapos, tsk," may halong iritasyon ang boses na iyon ng ka-groupmates kong si Zerine na kasama ko ngayon sa canteen. May tinatapos kaming task sa isa naming subject.
Essay lang naman ang pinapagawang task ng teacher sa amin at individual pa ngunit dahil likas na malikot ang pag-iisip ng teacher ay ginawang group ang individual essay. Kaya ngayon, tatlo tuloy kaming magkasama sa canteen. Kanina pa ako tapos sa essay at kung tutuosin ay puwede ko na silang iwan para i-pass na 'tong gawa ko ngunit ayaw ko maging bastos kaya nagtiyaga akong hintayin sila.
"Okay lang. 'Intayin ko na lang kayo hanggang matapos..." ngumiti ako at sinubukan na balanse-in ang namumuong emosyon sa mukha niya.
Umirap sa akin ang isa ko pang kasama na nasa kaliwang bahagi ng mesa. "Really? Even if we catch up here for lunch?"
"Oo," sensero kong tugon. "Nasa canteen tayo kaya okay lang. Besides, dala ko naman baon ko."
"Hindi ka naiinip o naiiritang mag-intay?"
Umiling ako. "Hindi. Ayos lang talaga sa akin. Kung gusto niyo tulungan ko pa kayo para mabilis lang kayo matapos?"
Mabilis na ngumisi si Zerine sa akin. "'Wag na! Ayaw naming makautang ng loob."
"I'm not asking for anything in return—"
"Are really like that?" paanas na putol nito sa akin. "Hindi sa ayaw ko sa 'yo pero ayaw ko talaga sa ugali mo, alam mo 'yon?" deritsahan niyang puna na tila walang pakialam sa anomang mararamdaman ko. "Hindi ka ba natatakot na baka abusuhin namin 'yang kabaitan mo?"
Maiigi akong napatitig sa mala-maldita at magandang mukha ni Zerine na mariing napatitig sa akin. Kahit mukhang bad girl siya, kahit palaging lumiliban sa klase ay batid ko naman 'di niya 'yon magagawa sa akin. Siguro, ayaw niya sa akin ngunit ramdam ko naman na hindi magawang abusuhin ang kabaitan ko.
"Hindi mo naman siguro 'yon gagawin," napabuntong-hininga ako.
Mas lalong sumama ang mukha at halatang 'di makapaniwala sa naging sagot ko. Imbes na makipagsagutan siya sa akin ay tumayo na lamang siya, tinungo ang isa pa naming kasama na ngayon nakatuon na sa ginagawa.
"Tang'na talaga 'yong hukbulang teacher na 'yon, e 'no! May essay-essay pa siyang nalalaman. Isampal ko kaya sa kanya 'tong papel para malasahan niya..." bulong-bulong niya at nang magtama ang mga mata namin ay pinagtaasan niya ako ng kilay. "What?"
"Wala," umiling ako.
"Sumbong mo 'ko kung gusto mo," asik niya.
I smiled sweetly. "Ba't ko naman gagawin 'yon?"
"Peste ang bait... Kaya daming galit sa 'yo, e..." bulong niya at umiling-iling.
Palihim lamang akong napangiti at mataman na nakatitig sa dalawa kong kasama. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko magawang iwan sila ay dahil gusto kong sulitin ang ganito, ang may iba akong kasama sa ganitong klaseng lugar. Kahit hindi ko sila gaanong kakilala at kahit batid kong kabaliktaran ang mga ugali nila sa akin ay siguro naman akong 'di sila gaya ng mga babaeng umaaway sa akin.
BINABASA MO ANG
Nexus Band #3: Faithfulness
Roman pour AdolescentsNexus Band Series #3 Asher Vasquez