"Senior High men's basketball... Tryout?" mahina kong binasa ang nakapaskil na sulat nang mapansin ko ito sa may corridor. "Wala ka bang balak mag tryout?"
Nilingon ko si Asher sa may gilid ko. He stared at the letter I read and slowly pulled the lollipop out of his mouth then he grinned at me.
"Gusto mo?" balik niyang tanong sa akin.
Idiniin ko ang paglapat ng mga labi ko at tinuro ang malaking ‘men’ na nakatatak at muli siyang sinulyapan. Baka kasi hindi niya nakita.
"Kaya ikaw nga tinanong ko, ‘di ba? Hindi ako lalaki..."
Sumimangot siya at muling ibinalik ang lollipop sa loob ng bibig niya. "Bakit nalasahan ko ang panunuya sa boses mo?"
Palihim akong ngumisi at pinapanatili ang pagka-inosente. "Hindi kaya!"
"Yeah. Kunyari naniwala ako—"
"Asher!"
Maagap at sabay pa talaga kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses nang tawagin nito ang pangalan niya. And there, nakita ko ang tatlong babae na nakatayo hindi kalayuan sa amin. Hindi ko alam kung sino sa kanilang tatlo ang bumanggit sa pangalan ng kaibigan ko ngunit base sa itsura nilang tatlo ay may tantya akong iyong nasa gitna.
May kung ano kasing ngiti sa labi niya at hindi rin pinutol ang tingin sa katabi ko na tila ba si Asher lang ang taong nakikita niya sa oras na iyon.
"Hi?" kinamot ni Asher ang batok niya animong nahihiya sa tatlong babae.
"You don't remember me?" may pagkadesmaya pang saad ni babaeng nasa gitna, humakbang patungo sa kinatatayuan namin.
Pasimple pa nito akong binalingan ngunit nang si Asher na ang kanyang pag-angatan ay lumawak ang ngiti niya na maging mukha ay nasakop na nito. Halatang gusto niya 'tong katabi ko.
"Asher. Nakakatampo ka, amp!" muling nagsalita si babae nung wala siyang makuhang tugon kay Asher na halatang nangapa ngapa ng maaring sagot.
Napakamot muli sa kanyang batok si Asher at hindi na niya iyon binaba, nanatili ang kamay niya roon habang natatawa.
"Hindi ako sigurado pero ikaw 'ata iyong girlfriend nung kakilala ko?" hindi siguro na sagot ni Asher. "Am I wrong? Hala, sorry—"
Nahihiya pa na tumawa ang babae. "Ano ka ba, Asher... It's okay! Hindi naman iyon big deal. And yeah, naging kami..."
"Huh?"
"We broke up!"
Bakit parang proud pa itong naghiwalay na sila ng jowa niya? Napabuntong-hininga ako. Nakaramdam na ako nang pagkayamot katatayo rito while nakikinig sa pag-uusap nilang dalawa.
Wala naman talaga akong pakialam kung sino ang mga kinakausap ni Asher ngunit hindi ko talaga mapigilang punahin sa isip ang babaeng kausap niya. Hindi naman ako tanga para 'di maramdamang may gusto ito sa kaibigan ko. Tanga lang siguro ang hindi makakapansin.
"Kilala mo ba talaga 'yong babaeng kumausap sa 'yo kanina?" ako na ang bumasag sa mahaba naming katamikan mula pa kaninang umalis kami sa corridor hanggang makarating kami sa shed kung saan kami maghihintay ng jeep.
Buntong-hininga siya. "Girlfriend 'yon nang kakilala ko."
"Ex girlfriend," pangtatama ko.
The dimple came out as he laughed. "Gano'n pa rin 'yon. Dinagdagan mo lang ng ex."
"Maganda siya..."
"Hindi 'ko sure," he replied.
"Mukha naman siyang mabait?"